Tugunan ang sugat at panawagan ng mamamayan, apela ng Agustinians Suprerior sa kapwa relihiyoso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 53,668 total reads

Hinimok ni Fr. Jay Hector Lithuanas, AA, superior ng Augustinians of the Assumption, ang mga kapwa relihiyoso na kasapi ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) na tugunan ang mga sugat at panawagan ng mamamayan sa gitna ng iba’t ibang krisis na kinahaharap ng bansa at ng mundo.

Sa kanyang homiliya sa opening Mass ng ikalawang araw ng CMSP National Convention sa Zamboanga City, binigyang-diin ng pari ang hamon sa mga relihiyoso na maging mulat, makiramay, tumindig at kumilos para sa mga nangangailangan.

“Whose cry do we hear? Whose wounds are we touching? Whose sorrows are we comforting? Whose silence are we giving voice?” tanong ni Fr. Lithuanas.

Inilahad ng pari na ang misyon ng Simbahan ay nakaugat sa halimbawa ni Hesus sa ebanghelyo na naging mulat sa kalagayan ng biyenan ni San Pedro, nakiramay sa kanyang karamdaman, tumindig upang pagalingin siya, at kumilos para sa kanyang kagalingan.

Aniya, tulad ng halimbawa sa ebanghelyo na matapos gumaling ay agad na tumindig at naglingkod sa Panginoon at sa mga alagad.

“May our doing of the mission not cause tensions,” paalala ng pari, kasabay ng babala laban sa pagkakanya-kanya batay sa obispo, kongregasyon, diyosesis, o natatanging karisma ng mga kongregasyon.

Tinukoy rin ni Fr. Lithuanas ang mga hamon ng ecological degradation, armadong tunggalian, kahirapang pang-ekonomiya, pagkasira ng pamilya at pagsasama ng mag-asawa, karahasan sa mga paaralan, migration, usapin ng safeguarding, mga scammer, at pagpapakalat ng fake news.

“We need to choose to stand up, to make a decision, and do what needs to be done,” giit ni Fr. Lithuanas.

Paalala ng pari na ang pagtugon sa misyon ay dapat nakaugat sa malalim na ugnayan sa Diyos.

“Before we can do mission, or continue with our mission, we have to be in relation to the source—to God. It doesn’t matter what we are doing outside, but what matters most is our relationship with him,” ayon kay Fr. Lithuanas.

Aniya, ang mga relihiyoso ay isinugo hindi lamang sa mga sentro ng pamayanan kundi maging sa pinakamalalayong lugar ng bansa at sa mga pook na nakararanas ng kaguluhan.

“You go to the northernmost part of the Philippines, southernmost part of the Philippines… to areas where there are armed conflicts. For this, we are sent,” dagdag ng pari.

Apela ni Fr. Lithuanas ang pagiging prophetic witness ng mga relihiyoso bilang tagapagsulong ng kapayapaan at tanda ng pag-asa sa isang sugatang daigdig dulot ng mga suliranin at hamong kinakaharap sa kasalukuyang panahon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 35,817 total reads

 35,817 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 140,845 total reads

 140,845 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 226,955 total reads

 226,955 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 297,089 total reads

 297,089 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 329,155 total reads

 329,155 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top