Deboto at peregrino, inaanyayahan sa Diocesan Fatima conference

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,974 total reads

Inaanyayahan ng National Shrine of Our Lady of Fatima sa Valenzuela City ang mga deboto at peregrino na dumalo sa Diocesan Fatima Conference sa September 13, kasabay ng paggunita sa anibersaryo ng ikalimang aparisyon ng Mahal na Birhen ng Fatima.

Layunin ng pagtitipon na palalimin ang pag-unawa ng mga deboto sa mensahe ng Fatima bilang bahagi ng kanilang espirituwal na paglago.

“The conference intends to deepen the understanding of the Fatima message among the devotees of Our Lady of Fatima; thus, contributing to their spiritual growth.”

Nilalayon din ng pagpupulong na itaguyod ang makabuluhang ugnayan sa buhay at misyon ng simbahan sa pamamagitan ng mga paghuhubog sa mga mananampalataya.

Gayundin ang paghikayat sa pagkakaroon ng pilgrimage sa pambansang dambana na itinalaga sa Birhen ng Fatima.

Magsisimula ang programa alas 12:30 ng tanghali sa pagdating ng mga kalahok, susundan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo alas-1 ng hapon at welcome message ni Fr. Elmer Ignacio, rector ng national shrine.

Alas-1:45 naman ang unang talakayan na pangungunahan ni Fr. Raymond Joseph Arre, sa paksang “Marian Apparitions: Call to Penance and Conversion,” habang alas-2:45 ang ikalawang talakayan ni Fr. Julius De Sagun, na tatalakay naman sa paksang “The Children of Fatima: Models of Faith and Spiritual Reparation.”

Alas-4 ng hapon ang Exposition of the Blessed Sacrament at Chaplet of the Angel of Peace, bago ang pagdiriwang ng banal na misa sa alas-5 ng hapon na pangungunahan ni Cubao Bishop Elias Ayuban, Jr., at kasalukuyang apostolic administrator Diocese of Parañaque, kasama si Malolos Bishop Dennis Villarojo, na siya namang national spiritual director ng World Apostolate of Fatima Philippines.

Susundan ang Banal na Misa ng maringal na prusisyon ng National Pilgrim Image of Our Lady of Fatima sa loob ng Shrine.

Inaanyayahan ang mga lider at miyembro ng World Apostolate of Fatima, mga kasapi ng Marian associations, mga parokyano, deboto at mga peregrino na dumalo sa marian conference.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 42,911 total reads

 42,911 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 147,665 total reads

 147,665 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 233,775 total reads

 233,775 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 303,909 total reads

 303,909 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 335,803 total reads

 335,803 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top