Religious superiors, binalaan ng Arsobispo sa paggamit ng kapangyarihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 74,703 total reads

Nagbabala si Zamboanga Archbishop Julius Tonel sa mga religious superiors laban sa paggamit ng awtoridad para sa pansariling pagpapalakas o pagtataguyod ng sariling pangalan at hinimok na isabuhay ang diwa ng synodality bilang daan tungo sa tunay na pagbabago ng puso.

Sa kanyang homiliya sa banal na misa sa Zamboanga Cathedral sa ikaapat na araw ng national convention ng Conference of Major Superiors in the Philippines o CMSP, binigyang-diin ng arsobispo na kaakibat ng awtoridad sa Simbahan ay pananagutan sa Panginoon.

“Church authority is not for self-promotion or personal possession, but at the service received from the Lord, demanding stewardship and accountability,” ayon kay Archbishop Tonel.

Ayon sa vice president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, kailangang manatiling si Kristo ang sentro ng ministeryo at hindi ang personalidad ng mga lider ng Simbahan.

“Christ is first. Every minister belongs to Christ, and therefore our lay people, believers, should look beyond the personalities of ministers, but rather to Christ, the true master,” giit ni Archbishop Tonel.

Iniugnay ng arsobispo ang wastong paggamit ng awtoridad sa pagsasabuhay ng synodality, na aniya ay hindi dapat mauwi lamang sa mga bagong programa at istruktura.

Hinamon ni Archbishop Tonel ang mga lider ng simbahan, kabilang ang mga religious superiors, na suriin kung ang synodal journey ng Simbahan ay nagbunga na ng tunay na pagbabagong-loob.

“Synodality is not just changing structure, it is the change of heart, the renewal of the Church that will always be unending,” aniya.

Itinanong din ng arsobispo kung nagbunga ba ang limang taong pagsusulong ng synodality sa paraan ng pamumuno at pakikitungo sa loob ng Simbahan, kabilang ang usapin ng clericalism at relasyon ng mga pari, religious sisters at iba pang kasapi ng Kristiyanong pamayanan.

Binigyang-diin ni Archbishop Tonel na dapat makita ang bunga ng synodality sa pagbabago ng mga pananaw at mga paraan ng pakikitungo sa isa’t isa bilang mga lingkod ni Kristo.

Hinimok ni Archbishop Tonel ang mga religious superior na lumabas sa kanilang comfort zones at maging mga “bridge builders of peace,” kabilang ang pakikipag-ugnayan sa mga Muslim, Indigenous Peoples, mga migranteng manggagawa, at iba pang sektor ng lipunan.

Sinabi ng arsobispo na ang lahat ay dapat nakaugat sa iisang pundasyon na si Hesukristo, upang ang awtoridad, synodality, at misyon ng Simbahan ay manatiling nakatuon sa paglilingkod, pagkakaisa, at pagtataguyod ng kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 45,927 total reads

 45,927 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 150,550 total reads

 150,550 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 236,661 total reads

 236,661 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 306,794 total reads

 306,794 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 338,559 total reads

 338,559 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top