Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 295,110 total reads

Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng pamahalaan, tila normal na o kalakaran na rin na ma-oospital muna bago makulong o kaya magkakasakit ang isang opisyal ng gobyerno kapag nadakip na at ikinulong.

Kaya walang nangyayaring malaking pagbabago, tila naging kultura na ang katiwalian at korapsyon sa alinmang sangay ng pamahalaan, sa halos lahat ng local government units., sa hudikatura… sa lehislatura… at sa ehekutibo. Sa harap ng katotohanang ito Kapanalig, ginagawa na ring sistema ng mga inaakusahan ng katiwalian., nang plunder na magsakit-sakitan. Para ano Kapanalig? Bakit? Para makuha ang ating simpatya, upang makuha ang ating suporta.

Nasaksihan na natin ang paulit-ulit na drama ng pagkakasakit sa tuwing aarestuhin o makukulong na. Ginawa na ito ni dating Pangulong Joseph Estrada, nahatulan na guilty sa kasong pandarambong, dahil sa humanitarian reason, ipina-house na lamang. Si dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo, nagkasakit din nang ikukulong na., hindi tulad ni Erap, si GMA na-hospital arrest naman.

Lahat na lang nagkakasakit, si dating Senador Bong Revilla, nagkasakit din nang makulong sa kasong pandarambong. Si incumbent Senator Marcoleta, nagkasakit din, dinala sa PNP ospital., nadiskubre ng Sandiganbayan, nagsakit-sakitan lang. Kakaiba naman si dating Ako Bicol partly-list representative Zaldy Co, nagbitiw na congressman nang madawit sa flood control projects dahil magpapagamot, nakatakas sa Pilipinas at hindi na mahuhuli nang mga otoridad para litisin sa kasong plunder.

Habang ang sinasabing kasabwat ni Co, si dating house speaker Martin Romualdez, bago maglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan, nagpaospital na., ang dahilan, tumaas ang blood pressure dahil arrestuhin na at ikukulong.

Kapanalig, likas at ugali nating mga Pilipino na maunawain., mapagpatawad., ang gawing ito ang pinagsasamantalahan ng mga korap na pulitiko, mga tiwaling opisyal ng gobyerno. Kasi tayong mga Pilipino, lantaran nang winawalanghiya, lantaran nang niloloko, lantaran nang niyuyurakan ang dangal., sa pamamagitan lang ng drama-draman, sa pamamagitan lang pagsakit-sakitan., sa pamamagitan lang ayuda., tayo ay magpapatawad, tayo ay nagiging makakalimutin., nakalimutan na natin ang ginawang kahayupan, ang ginawang mali ng mga korap na pulitiko., nang mga ganid na opisyal ng pamahalaan. Ang masakit na gawi nating mga Pilipino, ang loyalty! Kahit sandamukal na ebidensiya ang iharap sa ating parokyanong pulitiko, pilit pa rin nating ipinagtatanggol.

Ang nakakatawa at nakakainis Kapanalig, ang lakas ng loob ng mga walanghiyang opisyal na ito ng pamahalaan sa pagnanakaw sa pera nating mga Pilipino. Da-dramahan na naman tayo, magsasakit-sakitan na naman kapag nabuko ang ginawang kabulastugan. Kapanalig, paloloko na naman ba tayo? Maaawa na naman ba tayo?

Kapanalig, hindi ba naaantig ang ating konsensiya sa sinasabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto, “Parang nakarating na tayo sa punto kung saan mas nakakagulat pa kapag may makasalubong kang “honest” kaysa corrupt”.

Sana man lang Kapanalig, matuto tayo sa sinasabi ng Luke 12:48 – “From everyone who has been given much, much will be demanded; and from the one who has been entrusted with much, much more will be asked.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 42,271 total reads

 42,271 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 151,512 total reads

 151,512 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 236,881 total reads

 236,881 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 283,620 total reads

 283,620 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 331,488 total reads

 331,488 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 427,780 total reads

 427,780 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 151,513 total reads

 151,513 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 236,882 total reads

 236,882 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 283,621 total reads

 283,621 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 331,489 total reads

 331,489 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top