Bishop Varquez, itinalagang Obispo ng Diocese of Tagbilaran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,147 total reads

Itinalaga ni Pope Leo XIV si Bishop Crispin Varquez ng Borongan bilang bagong obispo ng Diocese of Tagbilaran, na nasa sede vacante mula pa noong September 2025.

Nagbabalik ang obispo na tubong Bohol sa diyosesis kung saan siya unang naordinahang pari.

Inanunsyo ng Vatican ang appointment nitong Huwebes, September 10, sa tanghali sa Roma o alas-6 ng gabi sa Pilipinas.

Si Bishop Varquez, 65 taong gulang, ay hahalili kay Archbishop Alberto Uy, na itinalagang arsobispo ng Archdiocese of Cebu noong September 2025.

Siya ang magiging ikawalong obispo ng Tagbilaran, na itinatag bilang diyosesis noong 1941.

Isinilang ang obispo sa Sevilla, Bohol noong December 5, 1960. Nag-aral ng pilosopiya sa Immaculate Heart Seminary sa Tagbilaran at teolohiya sa St. Augustine Major Seminary sa Tagaytay City.

Naordinahang pari para sa Diocese of Tagbilaran noong April 14, 1989.

Bago siya naging obispo, nagsilbi siyang formator sa mga seminaryo sa Bohol at Tagaytay at humawak ng ilang posisyon sa diyosesis, kabilang ang pagiging vicar general ng Tagbilaran.

Noong 2007, itinalaga siya ni Pope Benedict XVI bilang obispo ng Borongan at inordinahan sa Tagbilaran Cathedral noong October 18 ng parehong taon.

Sa CBCP, nagsilbi si Bishop Varquez sa Permanent Council mula 2013 hanggang 2017 at naging chairman ng Episcopal Commission on Women mula 2019 hanggang 2025.

Sa kasalukuyan, siya ang vice chairman ng CBCP Committee on Bishops’ Concerns at miyembro ng Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 10,431 total reads

 10,431 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 65,844 total reads

 65,844 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 151,209 total reads

 151,209 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 197,946 total reads

 197,946 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 245,818 total reads

 245,818 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 346,535 total reads

 346,535 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top