Pagpapaliban ng BSKE, pagtanggal sa karapatang bumoto ng mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,435 total reads

Naniniwala ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na mahalagang pangalagaan ang regular na halalan at karapatan ng mga botante kaugnay sa muling pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula Nobyembre 2026 patungong Nobyembre 2028.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan, sinabi ni PPCRV Spokesperson at Board of Trustee Ana de Villa-Singson na ang pagpapaliban ng halalan ay nangangahulugan ng dalawang taong karagdagang panunungkulan ng kasalukuyang barangay at SK officials bago muling makapili ang mga mamamayan ng kanilang mga lider sa pamayanan.

Binigyang-diin ni de Villa-Singson na ang halalan ay mahalagang mekanismo upang makapili ang publiko kung sino ang nais nilang mamuno sa kanilang komunidad.

“In a democratic process, tinatanggal ninyo ang karapatang bumoto ‘pag pinag-postpone ninyo. You are taking away the right to vote and choose new leaders, or if they want to replace them, or keep ones who are good. That’s a deprivation of right.” Bahagi ng pahayag ni de Villa-Singson sa Radyo Veritas.

Ayon kay de Villa-Singson, higit na mahalaga ang usapin ng halalang pambarangay sa kalagayan ng mga kabataan na dapat ay magkaroon ng pagkakataong lumahok sa halalan bilang mga botante at kandidato.

“Feeling ko ho, dapat nang hindi postpone-postpone. Alam mo, meron akong mga kakilalang BSKE youth sila noon. Dahil postpone nang postpone, hindi na youth. May asawa na, may anak na, oh my goodness, hindi na youth.” Dagdag pa ni de Villa-Singson.

Sa ilalim ng Republic Act No. 12326 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang halalang nakatakda sana ngayong Nobyembre 2, 2026 ay ililipat sa Nobyembre 2028, kasabay ng pagtatakda ng limang taong termino para sa barangay at SK officials.

Ayon kay de Villa-Singson, hindi lamang usapin ng petsa ng halalan ang epekto ng sunod-sunod na postponement, lalo na sa mga kabataang saklaw ng SK sapagkat marami sa mga kabataan ang lumagpas na sa itinakdang edad sa ilalim ng Sangguniang Kabataan.

“Overage na rin, youth in progress. Magulo. In fact, ‘yung last BSKE bago nangyari ‘yon, there were like four postponements, so sobrang tanda na talaga, like 10 years na.” Ayon pa kay de Villa-Singson.

Binigyang-diin ni de Villa-Singson na may mga itinakdang limitasyon sa termino ng mga halal na opisyal at mahalagang hindi mawalan ng saysay ang mga ito dahil sa paulit-ulit na pagpapaliban ng halalan.

Para sa PPCRV, mahalaga ang Barangay at SK elections dahil kabilang ang mga opisyal nito sa pinakamalapit sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan sa pamayanan.

Ayon kay de Villa-Singson, ang halalan sa Barangay at SK ay mahalagang pagkakataon para direktang makilahok ang mga mamamayan sa pagpili ng mga lingkod-bayan.

“’Yan ang unang hakbang na makapasok sa very direct relationship with the public if you are a public servant. So importante ‘yon. Sila ang direct-facing, ‘di ba? At sila ang future leaders.” Ani de Villa-Singson.

Samantala, sinabi rin ni de Villa-Singson na kailangang magkaroon ng malinaw at tiyak na impormasyon ang mga election stakeholders upang maayos na maipagpatuloy ng mga election watch-dog at stakeholders tulad ng PPCRV ang kanilang paghahanda at voter education efforts bilang paghahanda sa halalan.

“Hindi ba importante ‘yung halalan na ‘yon na pwedeng i-cancel na lang at i-cancel. Kung iisipin mo, ‘yan ang unang hakbang na makapasok sa very direct relationship with the public if you are a public servant.” Ayon pa kay de Villa-Singson.

Para sa PPCRV, nananatiling mahalaga ang pakikilahok ng mga mamamayan, karapatan sa pagboto at pananagutan ng mga halal na opisyal, lalo na sa pinakamababang antas ng pamahalaan kung saan direktang nararanasan ng mga komunidad ang serbisyo publiko.

Ang kasalukuyang iskedyul na muling ipinagpaliban ay resulta ng Republic Act No. 12232 na nilagdaan ni Pangulong Marcos noong 2025 at nagtakda sa November 2, 2026 bilang susunod na BSKE matapos ang halalang ginanap noong 2023.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 122,576 total reads

 122,576 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 155,905 total reads

 155,905 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 188,049 total reads

 188,049 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 254,112 total reads

 254,112 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 265,487 total reads

 265,487 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2-araw na tigil-pasada, ikakasa ng PISTON

 27,939 total reads

 27,939 total reads Maglulunsad ang transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ng dalawang araw na tigil-pasada sa Setyembre 29

Read More »
Scroll to Top