Pagpapatupad ng genuine, meaningful at effective Anti-Polical dynasty law, panawagan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,292 total reads

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa pagpapatupad ng isang “genuine, meaningful, and effective” Anti-Political Dynasty Law, kasabay ng pagsuporta nito sa Dapat Isa Lang People’s Initiative bilang isang mapayapa, legal at demokratikong hakbang ng mga mamamayan.

Sa pastoral statement na inilabas nitong Setyembre 25, 2026 sinabi ng CBCP na pinangangasiwaan ng pangulo ng kapulungan na si Lipa Archbishop Gilbert Garcera na hindi dapat ituring na mana ng isang pamilya ang pampublikong posisyon dahil ang public office ay isang public trust na ipinagkakatiwala ng mamamayan para sa kapakanan ng lahat.

“Public office must never become a family inheritance. Public office must remain a public trust, entrusted by the people to serve all. No family, however capable or respected, has a permanent claim to public office.” Bahagi ng pahayag ng CBCP.

Binigyang-diin ng Kalipunan ng mga Obispo ng Pilipinas na hindi nangangahulugan ang kanilang panawagan na hindi karapat-dapat sa serbisyo publiko ang lahat ng miyembro ng mga pamilyang pulitikal.

Ayon sa CBCP, ang mas malalim na usapin ay ang sistemang maaaring magdulot ng konsentrasyon at paulit-ulit na pagpapasa ng kapangyarihang pampulitika sa iilang pamilya, na maaaring magpaliit sa pagkakataon ng ibang kwalipikadong mamamayan at magpahirap sa pananagutan sa pamahalaan.

“The issue is not the goodness or competence of individual persons or families. The deeper concern is a system that allows political power to concentrate and be repeatedly passed among members of the same families, narrowing opportunities for other qualified citizens, weakening genuine political competition, and making accountability more difficult.” Dagdag pa ng CBCP.

Iniugnay rin ng CBCP ang usapin sa moral at ethical responsibility ng pamahalaan, lalo na kapag ang kapangyarihan ay nagiging pribadong pribilehiyo sa halip na paraan ng paglilingkod sa bayan.

Sinabi ng mga Obispo ng Pilipinas na ang kanilang suporta ay hindi nakatuon laban sa anumang partikular na pamilya, partido, kandidato o opisyal, kundi sa pagsusulong ng mas malawak na access sa pampublikong serbisyo.

“Our support is not directed against any particular family, political party, candidate, or public official. This initiative should not become an occasion for hatred, retaliation, or partisan division. Rather, it should invite all of us to ask a fundamental question: How can we make public service truly accessible to more Filipinos and ensure that political authority remains service rather than possession?” Ayon pa sa CBCP.

Sa halip na pagkakahati-hati, hinimok ng CBCP ang mga Katoliko at iba pang mamamayan na makilahok sa demokratikong proseso nang may sapat na kaalaman at pananagutan.

Partikular na hinikayat ng mga Obispo ang mga diyosesis, parokya, Catholic schools and universities, religious communities at lay organizations na tumulong sa pagpapaliwanag sa mga mamamayan tungkol sa layunin at mga probisyon ng inisyatiba, gayundin sa pagsusulong ng maayos at responsableng talakayan.

Hinimok naman ang mga layko na alamin muna ang nilalaman ng panukala at maging mapagbantay laban sa maling impormasyon, pamimilit, vote-buying, pananakot at iba pang uri ng political pressure.
“Learn what the proposal contains. Ask difficult questions. Resist misinformation, coercion, vote-buying, intimidation, and political pressure. Where conscience leads you to support the initiative, do so freely, peacefully, and responsibly.” Dagdag pa ng CBCP.
Ayon sa CBCP ang panawagan ay nakapaloob rin sa turo ng Simbahan hinggil sa tunay na kahulugan ng pamumuno kung saan partikular na tinukoy ng kalipunan ang paalala ni Pope Francis na ang politika, kapag nakatuon sa kabutihang panlahat, ay maituturing na isang mataas na bokasyon at isa sa pinakamataas na uri ng kawanggawa.

Para sa CBCP, ang usapin ng political reform ay hindi lamang tungkol sa pagbabago ng batas kundi tungkol din sa pagbabago ng pananaw sa pamumuno na ang awtoridad ay paglilingkod, at ang posisyon ay isang pananagutan sa bayan.

“Political reform, therefore, is not simply about changing laws. It is about renewing our understanding of leadership itself: authority as service, office as trust, and politics as a vocation for the common good.” Ayon pa sa CBCP.

Sinabi rin ng CBCP na mahalaga ang matatag na pamilya ngunit kailangan ding palakasin ang mga institusyong demokratiko upang manatiling bukas sa lahat ang pagkakataong maglingkod sa bayan.

“Our country needs strong families. But we also need strong democratic institutions. The strength of our families should enrich the nation, not restrict others’ political participation. Leadership must never become the inheritance of a few when it belongs to the whole people.” Paliwanag ng CBCP.

Hinimok din ng Kalipunan ng mga Obispo ang mga Pilipino na makiisa sa pagsusulong ng kanilang tinawag na matagal nang hindi natutupad na constitutional mandate laban sa political dynasties sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 93,081 total reads

 93,081 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 126,414 total reads

 126,414 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 158,558 total reads

 158,558 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 224,617 total reads

 224,617 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 237,935 total reads

 237,935 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2-araw na tigil-pasada, ikakasa ng PISTON

 26,122 total reads

 26,122 total reads Maglulunsad ang transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ng dalawang araw na tigil-pasada sa Setyembre 29

Read More »
Scroll to Top