Transaksyon ng GenCorp sa Davao City government, isang malinaw na conflict of interest

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,019 total reads

Naniniwala si dating Presidential Political Affairs Adviser at political analyst Ronald Llamas na mahalaga ang naging pag-amin ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na nagkaroon ng mga transaksyon ang GenCorp sa Davao City government.

Sa panayam ng programang Veritas Pilipinas, tinalakay ni Llamas na mahalaga ang naging talakayan sa nakaraang Impeachment Trial kung saan naging sentro ng pagdinig ni Vice President Sara Duterte ang testimonya ni Davao Mayor Baste Duterte kaugnay ng mga kontrata ng Davao City government sa GenCorp Industries Inc., na kumpanyang idineklara ng Bise Presidente bilang isa sa kanyang business interests sa kanyang 2024 at 2025 SALNs.

Idineklara ng Senate Impeachment Court si Mayor Baste Duterte bilang hostile witness, na nagbigay-daan sa prosecution na magtanong sa kanya gamit ang leading questions.

“Inamin ni Baste na nakikinabang ‘yung GenCorp sa mga kontrata ng City Hall sa Davao. Ang sabi lang niya, hindi niya alam na ‘yung kanyang kapatid ay major stockholder doon sa company na ‘yon.” Bahagi ng pahayag ni Llamas sa Radyo Veritas.

Ayon sa mga ulat kaugnay sa naganap na pagdinig, kinumpirma ni Mayor Baste Duterte na nagkaroon ng 19 contracts sa pagitan ng Davao City government at GenCorp, na nagkakahalaga ng mahigit ₱33 milyon, kung saan sinabi rin ng alkalde na hindi niya personal na sinuri ang lahat ng kontrata at corporate records ng kompanya.

Gayunman, iginiit ng alkalde na kung alam niyang may business interest ang kanyang kapatid sa GenCorp, hindi niya pahihintulutan ang mga kontratang ito.
“Well, kahit i-assume natin na hindi niya alam, ‘di ba, ‘yung mga dokumentong pinapapirmahan niya, pero dapat bago niya pirmahan ay may due diligence na ang mga tao niya.” Dagdag pa ni Llamas.

Ayon kay Llamas, sinabi rin ni Mayor Baste Duterte sa pagdinig na nananatili sa kanya ang accountability bilang head of the procuring entity ng lungsod kahit may mga kinatawang awtorisadong pumirma sa ilang dokumento.

Para kay Llamas, mahalagang usapin dito ang conflict of interest, lalo na dahil pampublikong pondo ang sangkot sa mga government contracts.

“Kung may conflict of interest, ‘no, eh sigurado na nagagamit mo ang pera ng bansa para makinabang kayo—kayo, mga magkakaibigan, magkaka-mag-anak. Kaya bawal na bawal ‘yan sa ating mga batas.” Ayon pa kay Llamas.

Samantala, patuloy namang tinatalakay ng impeachment court ang mga alegasyon kaugnay ng unexplained wealth at business interests ng Bise Presidente, kung saan una ng iginiit ng depensa na walang direktang pakikialam si VP Sara sa mga kontrata ng Davao City government.

Kasunod ng naging pagharap ni Mayor Baste Duterte noong September 29, 2026 sa Senado ay nagpatupad naman ang Senate Impeachment Court ng isang procedural pause nitong September 30, 2026 at inaasahang ipagpapatuloy ang paglilitis sa October 1, 2026.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 3,938 total reads

 3,938 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 27,777 total reads

 27,777 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 68,337 total reads

 68,337 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 94,936 total reads

 94,936 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 143,202 total reads

 143,202 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 164,033 total reads

 164,033 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 3,939 total reads

 3,939 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 8,873 total reads

 8,873 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 26,702 total reads

 26,702 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »
Scroll to Top