Katapan sa bokasyon at paglilingkod ng mga pari sa simbahan, iginiit ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,181 total reads

Inihayag ni Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma na muling binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV ang kahalagahan ng katapatan sa bokasyon at paglilingkod ng mga Pari sa Simbahan.

Sa kanyang ulat sa programang Veritas Pilipinas bilang Vatican Correspondent ng Radio Veritas, ibinahagi ni Fr. Gaston ang ilang mga naganap at turo ng Santo Papa kabilang ang kanyang naging pastoral visit sa France at ang Apostolic Letter na may titulong ‘A Fidelity That Generates the Future’, na nakatuon sa bokasyon at ministeryo ng mga Pari.

Ayon kay Fr. Gaston, naging biyaya rin kay Pope Leo XIV ang pakikipagtagpo niya sa mga tao sa France, kabilang ang mga Katoliko at hindi Katoliko.

“Talagang natutuwa siya at talagang gift sa kanya—hindi lang na siya ‘yung naging gift sa France, kundi ang France mismo, ‘yung mga tao doon na na-meet niya, hindi lang mga Catholics pati non-Catholics, ay talagang naging blessing din para sa kanya,” Bahagi ng pahayag ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ng Pari, kabilang sa mga highlight ng pagbisita ng Santo Papa sa France ang Misa na dinaluhan ng tinatayang 80,000 katao kung saan nilinaw din ni Fr. Gaston na hindi ang bilang ng mga dumalo ang pinakamahalagang bunga ng isang pastoral visit kundi ang espirituwal na epekto nito sa bawat indibidwal sa lugar.

“Hindi ‘yung numbers ‘yung mahalaga doon, kundi sana ay lahat ‘yun ay talagang na-touch din ng Holy Spirit through the Holy Father. So hindi naman… hindi ‘yan ang pinakamahalaga. Eh kung 80,000 ang um-attend tapos wala naman na-touch ng Holy Spirit, naku, sayang lang ‘yung punta ng Pope doon. Kaso kahit may isa lang na na-touch ng Holy Spirit, ayan, napakalaki na, napakaganda na ng result ng visit ng ating Santo Papa,” Dagdag pa ni Fr. Gaston.

Binigyang-pansin din ni Fr. Gaston ang Apostolic Letter ni Pope Leo XIV na ‘A Fidelity That Generates the Future’, na nilagdaan noong Disyembre 8, 2025, kaugnay ng ika-60 anibersaryo ng Optatam Totius at Presbyterorum Ordinis.

Aniya, mahalagang balikan ang naturang dokumento ng Santo Papa upang muling mapagnilayan ang tunay na kahulugan ng bokasyon ng mga pari at ang kanilang paglilingkod sa bayan ng Diyos.

“Kaya patuloy tayo, mga kapatid, sa ating pagdadasal para na sana ay dumami pa ang mga pari. At itong document na kahit matagal na rin, itong document ay sana ay mabalik-balikan natin kasi ang ating Santo Papa din ay ibig niya rin na maalala natin na ang pagpapari ay isang service,” Ani Fr. Gaston.

Ipinaliwanag din ni Fr. Gaston, na mahalaga ang mabuti at mapayapang ugnayan ng mga pari at layko sa buhay ng Simbahan.

“Isang service ito. Kaya ang mga pari, kami ay kumbaga kung wala kayo, wala din kami. Kung wala ‘yung mga lay people, wala din ‘yung mga kaparian, wala din kaming gagawin kung wala naman kayo,” Ayon pa kay Fr. Gaston.

Misyon ng Pontificio Collegio Filipino

Ibinahagi rin ni Fr. Gaston na patuloy ang formation ng halos 50 mga Pari sa Pontificio Collegio Filipino sa Roma, kabilang ang spiritual, human, intellectual at pastoral formation.

Ayon kay Fr. Gaston, bahagi rin ng kanilang misyon ang pastoral outreach para sa mga Filipino at OFWs sa iba’t ibang bahagi ng Europa, kung saan hinahangad rin ng PCF na maging missionary rin ang mga Filipino sa mga komunidad na kanilang ginagalawan.

“Kaya hindi lang Filipino community lagi, kundi sana ay makapag-open din tayo, maka-reach out tayo sa mga non-Filipinos,” Ani Fr. Gaston.

Kabilang sa ibinahagi ni Fr. Gaston ang pagtulong sa mga parokya sa Europa sa mga English Mass, na nagbibigay-daan upang makapaglingkod ang mga Filipino hindi lamang sa kapwa Filipino kundi maging sa iba’t ibang lahi at kultura.

“Kung saan tayo, doon natin ginagawa ang ibig ng Panginoon, tinutulungan natin ang Santo Papa… lahat ‘yan ay maaari nating i-alay sa Panginoon at sa ganung paraan natutulungan natin ang ating Santo Papa, si Pope Leo,” Ayon pa kay Fr. Gaston.

Hinikayat naman ni Fr. Gaston ang mga mananampalataya na patuloy na ipanalangin ang mga pari at isabuhay ang kanilang pananampalataya saan man sila naroroon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 113,793 total reads

 113,793 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 154,356 total reads

 154,356 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 175,199 total reads

 175,199 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 223,466 total reads

 223,466 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 241,109 total reads

 241,109 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top