Santo Rosaryo, tugon sa lumalalim na pagkakahiwalay ng mga tao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,654 total reads

Inihayag ng arsobispo ng Maynila na ang Santo Rosaryo ay mahalagang tugon sa lumalalim na pagkakahiwalay ng mga tao lalo na sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at komunikasyon.

Sa homiliya ni Cardinal Jose Advincula sa ginanap na episcopal coronation sa imahen ng Nuestra Señora del Santisimo Rosario sa Santissimo Rosario Parish ng University of Santo Tomas, pinagbubuklod sa Santo Rosaryo ang mga pamilya at pamayanan sa patnubay ng Mahal na Birhen.

“The Rosary can bring people together. It can bind families and communities together in a world that is now more connected technologically, but isolated personally,” ayon kay Cardinal Advincula.

Ayon sa kardinal, sa pamamagitan ng sama-samang pagdarasal ng Santo Rosaryo ay natututo ang mga mananampalataya na makinig, manalangin, at manatili para sa kapwa.

Hamon ng kardinal sa mga deboto ng Mahal na Birhen na gamitin ang kanilang pananampalataya upang harapin ang mga pagkakahati-hati sa pamilya at komunidad.

“Let reconciliation and solidarity win over our divisions in our families and communities, and especially here in this parish,” pahayag ng Cardinal

Binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang pagiging Reyna ni Maria ay makikita sa tatlong katangian: communion, motherhood, at charity, na dapat ding maging konkretong pagpapahayag ng pananampalataya.

Aniya, ang debosyon sa Mahal na Birhen ay hindi dapat nauuwi lamang sa panalangin, kundi dapat magbunga ng pagkalinga at pagtulong sa mga higit na nangangailangan.

“Let our acts of devotion to our Lady flow into acts of charity for one another, especially those who are needy and underprivileged among us,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Hinimok din ng kardinal ang mga deboto na dalhin si Kristo sa mga taong nakararanas ng pag-iisa, kawalan ng pag-asa, panghihina ng loob at pagdurusa.

“Let us bear Christ to one another, especially those among us who are forlorn and forgotten, discouraged and distressed,” ayon pa sa kardinal.

Paliwanag ni Cardinal Advincula na ang tunay na diwa ng koronasyon kay Maria ay hindi lamang pagkilala sa kanyang pagiging Reyna, kundi isang panawagan na tularan ang kanyang halimbawa sa pagbuo ng pagkakaisa, pagbibigay-buhay at paglilingkod sa kapwa.

“Let us seek her maternal help so that we too may become agents of unity, bearers of life, and missionaries of assistance for one another,” saad ng kardinal.

Sa kalatas ng episcopal coronation sa imahe, binigyang-diin nito ang mahalagang ambag ng Santisimo Rosario mula pa noong ika-19 na siglo, hindi lamang sa kasaysayan ng lokal na simbahan kundi maging sa buong bansa.

Sa patnubay ng Mahal na Birheng nakadambana sa loob ng pontifical at royal university ay naging saksi at kanlungan ito ng mga mag-aaral na hinuhubog ng institusyon ng mga Dominikano, na naging mga lider ng lipunan at simbahan.

Gayundin ang pagiging saksi at paggabay ng Mahal na Ina sa tatlong papal visit sa lugar nina Pope St. Paul VI, Pope St. John Paul II, at Pope Francis.
Katuwang ni Cardinal Advincula sa pagputong ng korona sa imahe si Fr. Glen Mar Gamboa, O.P., kasalukuyang kura paroko ng parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 116,349 total reads

 116,349 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 166,712 total reads

 166,712 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 294,269 total reads

 294,269 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 379,653 total reads

 379,653 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 437,442 total reads

 437,442 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top