Mananampalataya, hinimok na isabuhay ang halimbawa ni St.Francis of Assisi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,766 total reads

Hinikayat ng mga pari ang mananampalataya na isabuhay ang halimbawa ni St.Francis of Assisi sa pagsusulong ng kapayapaan, pagkalinga sa mga mahihirap, at pangangalaga sa kalikasan.

Ayon kay Franciscan Province of San Pedro Bautista Provincial Minister Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, hindi lamang dapat ipagdasal ang kapayapaan kundi aktuwal itong isabuhay sa loob ng pamilya, komunidad at pakikitungo sa kapwa.

Hinimok din ni Fr. Redoblado ang publiko na maging malapit sa mga mahihirap at mga napapabayaan sa lipunan at manindigan para sa kanilang mga karapatan, kasunod ng halimbawa ni San Francisco na namuhay nang simple at lumapit sa mga dukha at ketongin.

“Ngayon sa kapistahan po ng ating mahal na Amang San Francisco ay muligtayong hinahamon sa kanyang buhay ang pagbabalik loob sa Diyos. At lalo’t higit ang may mga tatlong bagay na hinahamon tayo sa paggawa ng kapayapaan, make peace, peacemaking po because Francis is a lover of peace. Kaya siguro gawin natin ito hindi lamang siguro sa pagdasal ng kapayapaan kundi sa kapayapaan sa loob ng ating pamilya. Sa loob ng ating mga kapitbahay at komunidad to make peace with everyone,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Redoblado.

Binigyang-diin naman ni Dominican Province of the Philippines Provincial Superior Fr. Filemon Dela Cruz, Jr., O.P., ang kahalagahan ng kababaang-loob, kasimplehan, kapayapaan at habag na kinatawan ni San Francisco, lalo na sa harap ng mga hamon ng kasalukuyang panahon.

Ayon kay Fr. Dela Cruz, mahalaga ang halimbawa ng Santo dahil nanganganib ang kapayapaan, laganap ang kayabangan, at namamayani ang labis na consumerism sa lipunan, habang kailangan ding maibalik ang paggalang at ugnayan ng tao sa kalikasan.

Kapwa binigyang-diin ng mga pari ang pangangalaga sa sangnilikha bilang bahagi ng “Common Home,” kasabay ng patuloy na malasakit at pakikiisa sa mga mahihirap.

“Kapag, tiningnan niyo para bang very ordinary words, but you may it makes us realize how much we need of people like St. Francis. Ito yung kailangan ng mundong ginagalawan natin where we are in our time, in our country. Peace is threatened. As for humility, there are a lot of arrogance among peoples. And simplicity, we live a very extravagant life. Nature, we lost already our respect and our connection with them, that they are very much part of us. Nature is not there just for our use. Francis would call them like Brother Sun, Sister Moon, and his Canticle of Creation, you will see his spirit and of course his compassion for the poor, that he not only did he minister, but he embraced the spirit of of poverty,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Dela Cruz.

Ito ang mensahe nina Fr. Redoblado at Fr. Dela Cruz sa banal na misa para sa Solemnity of St. Francis of Assisi at paggunita sa ika-800 anibersaryo ng Transitus ni San Francisco sa Basilica Minore de San Pedro Bautista sa Quezon City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 61,476 total reads

 61,476 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 144,502 total reads

 144,502 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 238,834 total reads

 238,834 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 300,519 total reads

 300,519 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 343,418 total reads

 343,418 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top