Santo Rosaryo, tugon sa lumalalim na pagkakahiwalay ng mga tao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 774 total reads

Inihayag ng arsobispo ng Maynila na ang Santo Rosaryo ay mahalagang tugon sa lumalalim na pagkakahiwalay ng mga tao lalo na sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at komunikasyon.

Sa homiliya ni Cardinal Jose Advincula sa ginanap na episcopal coronation sa imahen ng Nuestra Señora del Santisimo Rosario sa Santissimo Rosario Parish ng University of Santo Tomas, pinagbubuklod sa Santo Rosaryo ang mga pamilya at pamayanan sa patnubay ng Mahal na Birhen.

“The Rosary can bring people together. It can bind families and communities together in a world that is now more connected technologically, but isolated personally,” ayon kay Cardinal Advincula.

Ayon sa kardinal, sa pamamagitan ng sama-samang pagdarasal ng Santo Rosaryo ay natututo ang mga mananampalataya na makinig, manalangin, at manatili para sa kapwa.

Hamon ng kardinal sa mga deboto ng Mahal na Birhen na gamitin ang kanilang pananampalataya upang harapin ang mga pagkakahati-hati sa pamilya at komunidad.

“Let reconciliation and solidarity win over our divisions in our families and communities, and especially here in this parish,” pahayag ng Cardinal

Binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang pagiging Reyna ni Maria ay makikita sa tatlong katangian: communion, motherhood, at charity, na dapat ding maging konkretong pagpapahayag ng pananampalataya.

Aniya, ang debosyon sa Mahal na Birhen ay hindi dapat nauuwi lamang sa panalangin, kundi dapat magbunga ng pagkalinga at pagtulong sa mga higit na nangangailangan.

“Let our acts of devotion to our Lady flow into acts of charity for one another, especially those who are needy and underprivileged among us,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Hinimok din ng kardinal ang mga deboto na dalhin si Kristo sa mga taong nakararanas ng pag-iisa, kawalan ng pag-asa, panghihina ng loob at pagdurusa.

“Let us bear Christ to one another, especially those among us who are forlorn and forgotten, discouraged and distressed,” ayon pa sa kardinal.

Paliwanag ni Cardinal Advincula na ang tunay na diwa ng koronasyon kay Maria ay hindi lamang pagkilala sa kanyang pagiging Reyna, kundi isang panawagan na tularan ang kanyang halimbawa sa pagbuo ng pagkakaisa, pagbibigay-buhay at paglilingkod sa kapwa.

“Let us seek her maternal help so that we too may become agents of unity, bearers of life, and missionaries of assistance for one another,” saad ng kardinal.

Sa kalatas ng episcopal coronation sa imahe, binigyang-diin nito ang mahalagang ambag ng Santisimo Rosario mula pa noong ika-19 na siglo, hindi lamang sa kasaysayan ng lokal na simbahan kundi maging sa buong bansa.

Sa patnubay ng Mahal na Birheng nakadambana sa loob ng pontifical at royal university ay naging saksi at kanlungan ito ng mga mag-aaral na hinuhubog ng institusyon ng mga Dominikano, na naging mga lider ng lipunan at simbahan.

Gayundin ang pagiging saksi at paggabay ng Mahal na Ina sa tatlong papal visit sa lugar nina Pope St. Paul VI, Pope St. John Paul II, at Pope Francis.
Katuwang ni Cardinal Advincula sa pagputong ng korona sa imahe si Fr. Glen Mar Gamboa, O.P., kasalukuyang kura paroko ng parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 80,816 total reads

 80,816 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 112,545 total reads

 112,545 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 214,371 total reads

 214,371 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 254,931 total reads

 254,931 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 272,065 total reads

 272,065 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top