1,303 total reads
Hinikayat ng mga pari ang mananampalataya na isabuhay ang halimbawa ni St.Francis of Assisi sa pagsusulong ng kapayapaan, pagkalinga sa mga mahihirap, at pangangalaga sa kalikasan.
Ayon kay Franciscan Province of San Pedro Bautista Provincial Minister Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, hindi lamang dapat ipagdasal ang kapayapaan kundi aktuwal itong isabuhay sa loob ng pamilya, komunidad at pakikitungo sa kapwa.
Hinimok din ni Fr. Redoblado ang publiko na maging malapit sa mga mahihirap at mga napapabayaan sa lipunan at manindigan para sa kanilang mga karapatan, kasunod ng halimbawa ni San Francisco na namuhay nang simple at lumapit sa mga dukha at ketongin.
“Ngayon sa kapistahan po ng ating mahal na Amang San Francisco ay muligtayong hinahamon sa kanyang buhay ang pagbabalik loob sa Diyos. At lalo’t higit ang may mga tatlong bagay na hinahamon tayo sa paggawa ng kapayapaan, make peace, peacemaking po because Francis is a lover of peace. Kaya siguro gawin natin ito hindi lamang siguro sa pagdasal ng kapayapaan kundi sa kapayapaan sa loob ng ating pamilya. Sa loob ng ating mga kapitbahay at komunidad to make peace with everyone,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Redoblado.
Binigyang-diin naman ni Dominican Province of the Philippines Provincial Superior Fr. Filemon Dela Cruz, Jr., O.P., ang kahalagahan ng kababaang-loob, kasimplehan, kapayapaan at habag na kinatawan ni San Francisco, lalo na sa harap ng mga hamon ng kasalukuyang panahon.
Ayon kay Fr. Dela Cruz, mahalaga ang halimbawa ng Santo dahil nanganganib ang kapayapaan, laganap ang kayabangan, at namamayani ang labis na consumerism sa lipunan, habang kailangan ding maibalik ang paggalang at ugnayan ng tao sa kalikasan.
Kapwa binigyang-diin ng mga pari ang pangangalaga sa sangnilikha bilang bahagi ng “Common Home,” kasabay ng patuloy na malasakit at pakikiisa sa mga mahihirap.
“Kapag, tiningnan niyo para bang very ordinary words, but you may it makes us realize how much we need of people like St. Francis. Ito yung kailangan ng mundong ginagalawan natin where we are in our time, in our country. Peace is threatened. As for humility, there are a lot of arrogance among peoples. And simplicity, we live a very extravagant life. Nature, we lost already our respect and our connection with them, that they are very much part of us. Nature is not there just for our use. Francis would call them like Brother Sun, Sister Moon, and his Canticle of Creation, you will see his spirit and of course his compassion for the poor, that he not only did he minister, but he embraced the spirit of of poverty,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Dela Cruz.
Ito ang mensahe nina Fr. Redoblado at Fr. Dela Cruz sa banal na misa para sa Solemnity of St. Francis of Assisi at paggunita sa ika-800 anibersaryo ng Transitus ni San Francisco sa Basilica Minore de San Pedro Bautista sa Quezon City.




