CBCP-ECIP, nanawagan sa pamahalaan na kilalanin ang ancestral domain ng mga katutubo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,096 total reads

Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Indigenous Peoples o CBCP-ECIP ang pamahalaan na kilalanin at pangalagaan ang karapatan ng mga katutubo sa kanilang lupang ninuno.

Ginawa ni Tony Abuso, executive secretary ng CBCP-ECIP sa paggunita ng Indigenous People’s Sunday sa October 11.

Inihayag ni Abuso na kabilang sa itinatampok ngayong taon ang kalagayan ng mga ‘Bacao Ayta’ na binubuo ng 120-pamilya sa Palayan City, Nueva Ecija, na mahigit tatlong dekada nang naninirahan sa lugar matapos lumikas mula Pampanga kasunod ng pagputok ng Mount Pinatubo noong 1991.

“Ah kasi mahirap na pong makabalik itong mga Aita sa Pampanga dahil ’yung kanilang komunidad ay iba na at medyo talagang dahil din sa Pinatubo talagang naiba ang pamumuhay na nila. At medyo tatlumpung taon na rin mahigit ang mga katutubo diyan sa Palayan City. Kaya isang henerasyon na mahigit ay talagang diyan na rin umusbong. So ’yun po ang malaking isyu ngayon diyan sa Bacao at ito po ay higit-kumulang mga 120 pamilya,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas sa Programang Baranggay Simbayanan kay Abuso.

Sinabi ni Abuso na patuloy na usapin sa mga katutubo ang pagkilala sa kanilang ancestral domain, lalo na sa mga komunidad na wala pang Certificate of Ancestral Domain Title, kahit may mga claim sa kanilang lupang ninuno.

Binigyang-diin ni Abuso na mahalagang kilalanin ng gobyerno ang kanilang mga karapatan alinsunod sa prinsipyo ng native title.

Nilinaw ng executive secretary ng CBCP-ECIP na hindi lamang pisikal na paglilipat ang maaaring maging epekto ng mga proyektong may kinalaman sa kanilang mga lupain, kundi maging ang pagkawala ng kultura at tradisyon ng mga katutubo, lalo na sa mga susunod na henerasyon.

Tinukoy ni Abuso ang hindi malinaw na programa para sa mga katutubo tulad ng kawalan ng relokasyon sa mga napilitang maglipat ng komunidad dahil sa epekto ng kalamidad.

Binibigyan diin sa paggunita ng Indigenous People’s Sunday 2026 ang temang “Pakikipaglakbay sa mga Katutubo: Pagpaparangal sa Nilikha ng Diyos at Karapatan ng Kalikasan,” na pagkilala sa mga katutubo bilang bahagi ng nilikha ng Diyos at sa pangangalaga sa kanilang karapatan at kalikasan.

Panawagan ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’ na pangalagaan ang ating common home at kilalanin ang ugnayan ng pangangalaga sa kalikasan, dignidad ng tao at kapakanan ng mga higit na naaapektuhan ng pagkasira ng kapaligiran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 170,386 total reads

 170,386 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 202,117 total reads

 202,117 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 303,940 total reads

 303,940 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 344,497 total reads

 344,497 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 358,059 total reads

 358,059 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top