Huwag manahimik sa pang-aapi sa mahihina at mahihirap, panawagan ni Pope Leo XIV sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,729 total reads

Mariing iginiit ni Pope Leo XIV na hindi maaaring manatiling tahimik ang mga mananampalataya sa pang-aapi sa mahihina at mahihirap at sa nagpapatuloy na kawalan ng katarungan.

Sa kanyang General Audience sa St. Peter’s Square nitong Miyerkules, October 7, binigyang-diin ng Santo Papa na bahagi ng misyon ng Simbahan ang pagtataguyod ng katarungan, kapayapaan at pagkakapatiran, bilang pagtupad sa misyon at pagsasabuhay ng pananampalataya.

“The believer cannot accept the oppression of the weak and the poor, nor the unjust structures that perpetuate conditions of dependence and injustice,” ayon kay Pope Leo XIV.

Paliwanag ng punong pastol na bagama’t nakikibahagi ang Simbahan sa pagbuo ng lipunan ay hindi pangunahing pulitikal ang pamamaraan at layunin nito.

Sa halip ay mariing isinasabuhay ang pananampalataya at pag-ibig sa kapwa, kabilang na rin ang pagsusulong ng katarungan, kapayapaan, at pagkakapatiran.

Binigyang-diin ng Santo Papa ang pangangailangang maging tunay at kapani-paniwala ang pananampalataya sa pamamagitan ng konkretong pagkilos.

“The discrepancy between professed faith and daily life deserves to be counted among the more serious errors of our age,” aniya.

Samantala, nagbabala rin si Pope Leo laban sa “logic of profit at all costs” at sa pagmamanipula ng impormasyon na maaaring magsusulong lamang ng konsyumerismo o pamumuhay na nakatuon lamang sa pagkonsumo ng materyal na bagay.

Binigyang-diin ng Santo Papa na kailangang manatiling tapat ang Simbahan sa kabuuan ng mensahe ng Ebanghelyo at hindi ito dapat pahinain upang maging katanggap-tanggap sa mundo.

“It is certainly not by watering down the content or softening the demands that Christianity can be made attractive,” giit ni Pope Leo.

Ayon sa Santo Papa, ang misyon ng mga Kristiyano ay patuloy na isabuhay ang pananampalataya lalo na sa pamamagitan ng pamumuhay sa kabanalan at pagmamahal sa kapwa, upang maging kapani-paniwalang saksi ng pag-asa ang Simbahan sa mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 219,839 total reads

 219,839 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 251,570 total reads

 251,570 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 353,394 total reads

 353,394 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 393,955 total reads

 393,955 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 405,841 total reads

 405,841 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top