Tularan ang pagbabagong-buhay ni San Francisco ng Assisi, panawagan ni Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 55,218 total reads

Hinimok ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David ang mga mananampalataya na huwag lamang alalahanin ang pagpanaw ni San Francisco ng Assisi, kundi ipagpatuloy ang pagbabagong-buhay na kanyang isinabuhay mula sa karahasan tungo sa kapayapaan, pagsasamantala tungo sa pangangalaga, at pagkakait tungo sa pagkakapatiran.

Sa kanyang mensahe para sa paggunita sa ika-800 anibersaryo ng Transitus ni San Francisco, binigyang-diin ni Cardinal David na ang buong buhay ng santo ay isang patuloy na “passing over” o paglipat mula sa dating pamumuhay tungo sa bagong buhay ayon sa Ebanghelyo.

“800 years after the passing of Francis, perhaps the best way to honor Saint Francis is not simply to remember how he died, but to continue the Transitus that he lived,” ayon kay Cardinal David.

Ayon sa kardinal, ang dating makamundong pamumuhay ni San Francisco ay nagbago tungo sa pagpapakumbaba, karukhaan, kapayapaan at pakikipagkapatiran, kabilang ang kanyang pagtanggap sa mga ketongin at sa mga taong itinatangi ng lipunan.

Binigyang-diin ni Cardinal David ang mga maituturing na pundasyon ng transitus ni San Francisco na nagbibigay-tuon sa pagpapanibago.

“These are three movements of one Transitus: from violence to peace, from exploitation to care, from exclusion to fraternity,” aniya.

Iginiit ng kardinal na hindi dapat maging tagamasid lamang ang mga mananampalataya sa pagbabagong nagaganap sa mundo, kundi dapat makilakbay ang sangkatauhan tungo sa mundong ninanais ng Diyos.

“We are called to accompany the world and humankind in their Transitus, in their passage toward the renewed world envisioned by God,” paliwanag ni Cardinal David.

Binigyang-diin din ni Cardinal David na ang hamon ng diwa ni San Francisco ay partikular na mahalaga sa kasalukuyang panahon.

“The old world of violence, of greed, indifference, and exclusion is passing away. By God’s grace, may we help bring to birth a new world, a new humanity, a new fraternity, a new creation in Christ,” saad ng kardinal.

Samantala, binigyang-diin ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization, na ang Transitus ni San Francisco ay hindi lamang tumutukoy sa kanyang pagpanaw kundi sa buhay na patuloy na humahantong sa Diyos.

“Eternal life for him really began here on earth. It’s really a passage,” pahayag ni Cardinal David.

Hinimok ni Cardinal Tagle ang mga Franciscanong patuloy na isabuhay ang halimbawa ni San Francisco, na nag-alay ng kanyang buhay para sa kapwa at sa sangnilikha.

Samantala, inilarawan ni Italian Ambassador to the Philippines Davide Giglio ang pamana ni San Francisco bilang isang makapangyarihang tugon sa mga suliranin ng makabagong mundo.

Ayon kay Giglio, ipinakita ng santo na ang payak na pamumuhay at pagpapakumbaba ay maaaring maging daan upang baguhin ang lipunan at magbigay ng alternatibo sa pagiging makasarili, materyalismo at tunggalian.

“Francis proved how a life of simplicity and humility can be powerful enough to transform society and to provide an alternative model to selfishness, materialism, and conflict,” ayon kay Giglio.

Iginiit din ng ambassador na nananatiling napapanahon ang mensahe ni San Francisco makalipas ang walong siglo.

“Eight centuries later, the message of Francis remains remarkably timely: to sow peace where there is division, to care for the creation as our common home, and to recognize in the poor and vulnerable our brothers and sisters,” aniya.

Isinagawa ang National Transitus Celebration 2026 sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion noong October 3, na nakatuon sa temang “800 Years of the Easter of St. Francis of Assisi: Sowing Peace, Healing
Creation, and Embracing the Poor,” kung saan nagsilbing keynote speaker si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, habang pinangunahan ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang pagdiriwang ng banal na misa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 113,636 total reads

 113,636 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 163,999 total reads

 163,999 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 291,691 total reads

 291,691 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 377,075 total reads

 377,075 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 434,975 total reads

 434,975 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top