Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,524 total reads

Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay patuloy na dinarayo ng mga turista. Pero ang mukha ng Boracay na kilala natin ay mapapalitan na. Nagbukás na kasi roon ang isang casino. Ginanap ang soft opening nito noong Setyembre 16, habang ang grand launch ay nito lamang Linggo, Oktubre 11. May shopping mall ding magbubukás doon ngayong taon.

Ang Boracay ay isang lugar para magbakasyon, magpahinga, magsaya, at mamangha sa ganda ng kalikasan. Kapag naglagay doon ng casino at malalaking establisimyento, binabago na rin ang mismong imahe ng lugar na pangunahing rason kung bakit pumupunta roon ang mga tao. Hindi rin dapat kalimutan na family vacation destination ang Boracay. Ito ay lugar para mapalapit at magsama-sama ang pamilya. Ibang-iba ito sa layunin ng isang casino na ineengganyo ang mga tao na tumayâ at gumastos. Alam din nating dahil sa mga casino, marami nang kaso ng pagkalulóng o adiksyon sa pagsusugal, pagkawala ng perang nakalaan dapat para sa pamilya, at pagkasira ng tiwala sa loob ng tahanan.

Ito ang ipinunto ng Diyosesis ng Kalibo sa kanilang pastoral statement ukol sa pagtatayo ng casino sa Boracay. Iginiit ng mga pastol ng Simbahan doon na hindi naman masama ang paglalaro, pero nagiging mali ito kapag nauuwi sa pagkakait sa sarili o sa kapwa ng mga bagay na kailangan sa pang-araw-araw na buhay. Ito ang panganib na ibinababala ng Simbahan. Ang pagka-casino ay idinisenyo para akitin ang mga taong maghangad pa kapag nananalo at magbakasakali pa kapag natatalo.

Hindi ito ang unang pagkakataon na tumutol ang Simbahan kasama ang mga residente sa pagkakaroon ng casino sa Boracay. Taóng 2018 nang unang lumutang ang plano. May mga pangamba na sa mabilis na pagbabago sa isla, lalong masisira ang kalikasan. Kasama pa nilang tumutol noon si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa parehong taon, isinara ang Boracay sa loob ng ilang buwan para sa malawakang rehabilitasyon. Pero noong 2021, binawi ni Pangulong Duterte ang kanyang posisyon laban sa casino at pinayagan niya ang operasyon nito sa Boracay. Sinalubong ito ng pagtutol mula sa mga residente, negosyante, at lokal na Simbahan. Sa dami ng isinakripisyo noon upang maisalba ang isla, mauuwi lang pala ulit sa parehong uri ng pagbabago na dati nang naglagay sa Boracay sa alanganin.

Sabi sa Genesis 2:15, ginawa ng Diyos ang tao upang “alagaan at ingatan” ang Kanyang mga nilikha. Hindi tayo ang may ganap na pag-aari sa kalikasan. Tungkulin nating protektahan at panatilihin ito para sa mga susunod na henerasyon. Ang Boracay ay isang biyayang ipinagkatiwala sa atin. Dapat natin itong alagaan at ingatan.

Mahalaga ang pag-unlad, trabaho, at turismo, pero hindi dapat maging kapalit ng mga ito ang kapaligiran at pagkakakilanlan ng Boracay. Nangangailangan ito ng sama-samang pagkilos. Bawat isa ay inaasahang gamitin nang tama ang kalayaang mamili para hindi malulong sa pagsusugal. Ang pamahalaan ay inaasahang gumawa ng mga desisyong isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga residente at kalikasan. Ang mga negosyo naman ay  pinaaalalahanang hindi lang sa kita umiikot ang kanilang paglago. May pananagutan din sila sa komunidad at sa kalikasan.

Mga Kapanalig, tinatawag nating paraiso ang Boracay dahil sa ganda nito. Huwag sana nating hayaang dumating ang panahon na ang paraisong ito ay maalala bilang lugar ng mga sugalan at bisyo. Ang pagtutol sa ganitong establisimiyento ay hindi pagtutol sa kaunlaran. Ito ay paninindigan na ang kaunlaran ay dapat may limitasyon, at hindi dapat sumisira sa biyayang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos na payabungin.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 1,525 total reads

 1,525 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 39,915 total reads

 39,915 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 266,186 total reads

 266,186 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 159,651 total reads

 159,651 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 253,595 total reads

 253,595 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ang bigat ng betrayal of public trust

 39,916 total reads

 39,916 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 266,187 total reads

 266,187 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 159,652 total reads

 159,652 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 253,596 total reads

 253,596 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »
Scroll to Top