Most wanted sa public service, hindi sa batas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 100,617 total reads

Mga Kapanalig, mag-iisang taon na mula nang ilabas ng International Criminal Court (o ICC) ang warrant of arrest para kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa. Muli, ang warrant of arrest na ito ay para papanagutin siya sa kanyang partisipasyon sa madugong giyera kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Anim na buwan naman na ang nakalilipas mula nang magtago siyang muli matapos ang ilang buwang hindi pagpapakita at pagtatrabaho bilang mambabatas. Naalala ba ninyo ang nangyaring gulo sa Senado noong Mayo? Maraming buhay ang nalagay sa panganib para lamang itakas si Senador Bato.

Ngayon, nag-alok na ang Department of the Interior and Local Government (o DILG) ng limampung milyong pisong pabuya sa sinumang makaaresto sa puganteng mambabatas. Tinagurian na nga siyang “most wanted person” sa Pilipinas. Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, mahabang panahon at maraming pagkakataon na ang ibinigay sa senador para sumuko, pero wala daw ipinakita si Senador Bato kundi kaduwagan sa pamamagitan ng pagtakas at pagtatago. “Now the gloves have to come off,” babala ni Secretary Remulla.

May impormasyon daw na natanggap ang kalihim ng DILG na si Senador Bato ay “armed and dangerous.” Kaya kung puwersahan daw na kukubkubin ang lugar na pinagtataguan niya, magkakaroon daw ng “bloodbath.” Dadanak daw ang dugo sa dami ng madadamay. Handa naman daw ang Philippine National Police (o PNP) sakaling umabot sa ganitong pangyayari ang paghahain nila ng arrest warrant sa mambabatas. Huwag naman na sana.

Hindi ito mangyayari kung nakipagtulungan lang ang mga kakampi niyang senador noong huhulihin na si Senador Bato nang sumulpot siya sa Senado. Hindi ito mangyayari kung naging mapagbantay talaga ang mga awtoridad para hindi siya makatakas at makapagtagong muli. 

Higit sa lahat, hindi tayo hahantong dito kung ang batayan ng pagboto ng marami sa atin ay ang kakayahan at integridad ng isang tao, hindi ang kanyang kasikatan, kapit sa maimpluwensya at makapangyarihan, at katapatan o loyalty sa iniidolong personalidad.

Ang mga ibinoboto natin ay hindi mga hari at reyna na pinagsisilbihan at handa nating ipagtanggol kahit pa mali ang kanilang ginagawa. Oo, iginagalang natin dapat sila, pero hindi sila inilalagay sa pedestal na titingalain at susundin lang kung ano ang kanilang gusto. Hindi kinukunsinti ang kanilang mga ginagawang labag sa batas o umaapak sa dignidad ng tao. Hindi dapat tayo magbulag-bulagan sa mga hindi makatao at hindi makatarungang estilo ng pamamahala.

Kung gagamitin natin ang mga prinsipyo ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan, nakabatay sana ang pulitika—kasama rito ang pagpili natin ng mga lider—sa kagustuhan nating itaguyod ang kabutihang panlahat o common good. Sabi nga ni Pope Francis, “Politics is a lofty vocation and one of the highest forms of charity.” Isa ito sa mga pinakamataas na anyo ng paglilingkod at pagkakawanggawa dahil hinahangad nito ang kabutihang panlahat. 

Pero mahirap itangging salungat dito ang kultura ng pulitika na meron sa ating bayan ngayon: Sikat ka? Ihahalal ka namin! Loyal ka sa idolo namin? Nasa iyo ang boto namin! Kababayan ka namin? Sagot ka namin sa eleksyon! Ang nakalulungkot, nauuwi ang ganitong batayan ng pagpili ng mga lider sa bulag na pagsunod—parang pagsamba na nga—na humahantong naman sa pagprotekta sa kanila mula sa pananagutan ng batas.

Mga Kapanalig, ang ating mga iboboto sana ay mga “most wanted person” hindi sa batas kundi sa serbisyo publiko. Tandaan natin ang paalalang ito sa Mga Kawikaan 29:2, “Kapag matuwid ang namamahala, nagagalak ang bayan; ngunit kapag masama ang namumuno, dumaraing ang bayan.” Huwag tayong mag-ambag pa sa pagdaing ng bayan sa pamamagitan ng pagboto sa mga taong hindi kayang humarap sa batas.

Sumainyo ang katotohanan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 1,539 total reads

 1,539 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 1,669 total reads

 1,669 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 4,096 total reads

 4,096 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 60,501 total reads

 60,501 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 184,007 total reads

 184,007 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 269,300 total reads

 269,300 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bunga ng araw-araw na karahasan

 4,098 total reads

 4,098 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 60,503 total reads

 60,503 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 184,009 total reads

 184,009 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 269,302 total reads

 269,302 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »
Scroll to Top