Bunga ng araw-araw na karahasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,086 total reads

Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan sa mga dahilang nag-udyok sa mga ito ay ang matinding kakulangan sa sektor ng edukasyon, tumataas na presyo ng pabahay at pamumuhay, at lumalalang pampublikong serbisyo. Marami sa mga protesta ang humantong sa karahasan.

Sa France, mahigit kalahating milyong estudyante, guro, magulang, manggagawa, at iba pa ang nagmartsa sa lansangan noong isang linggo. Mapayapa ang protesta ng karamihan, pero may ilang nanira at nagsunóg ng mga ari-arian at pampublikong gusali. May ilan ding sinamantala ang kaguluhan para magnakaw sa mga establisimyento. Karahasan din ang tugon ng mga pulis sa ilang lugar, at umabot sa 2,500 katao ang inaresto. Nagsimula ang mga demonstrasyon noong Setyembre sa pagprotesta ng mga estudyante hinggil sa kakulangan sa guro at pasilidad sa mga paaralan at underinvestment sa kanilang edukasyon. Lumawak na ito sa mga pagprotesta tungkol sa kakulangan sa pampublikong serbisyo at bumababa pero nagmamahal na living standards. 

Sa Pilipinas naman, nagkampo at nagprotesta din ang mga magsasaka, magbubukid, mangingisda, katutubo, at iba pang sektor sa labas ng Department of Agrarian Reform (o DAR) at Department of Environment and Natural Resources (o DENR) noong nakaraang linggo. Nagmartsa rin sila patungong Mendiola sa Maynila para igiit ang mga panawagan nila sa karapatan sa lupa, kabuhayan, at mga isyu ng militarisasyon, panggigipit, at pangangamkam ng lupa sa kanayunan. Bilang tugon sa pagprotesta, gumamit ng matinding puwersa ang kapulisan. Giniba nila ang ilang bahagi ng kampuhan at gumamit ng dahas hindi lang sa mga nagprotesta kundi pati mga taga-media na nag-uulat sa kaganapan.

Kinundena ng Ecumenical Bishops Forum (o EBF) ang marahas na pagtugon ng pulis at nanawagan sa mga awtoridad na protektahan ang mga karapatan sa mapayapang pagtitipon at kalayaan sa pamamahayag. Ayon sa EBF, ang kabiguan ng gobyerno sa pagbibigay ng sapat na tulong sa mga magsasaka, lalo na sa gitna ng matinding El Niño, ay isang “moral failure”—isang kabiguang itaguyod ang tama at Mabuti. Dagdag pa ng mga obispo mula sa iba’t ibang Kristiyanong denominations, ang pakikibaka ng mga magsasaka at magbubukid para sa lupa, kabuhayan, pagkain, at katarungan ay pakikibaka para sa buhay mismo. At tayo sa Simbahang Katolika ay napakalaki ng pagpapahalaga sa buhay at dignidad, kaya dapat din nating tutulan ang mga bagay na binabalewala at nilalabag ang mga ito.

Marami sa atin ang mabilis bumatikos sa mga kaguluhan at karahasang nangyayari sa mga pagprotesta, sa Pilipinas man o sa ibang bansa. Gayunpaman, ganoon din sana ang pagkundena natin sa istruktural na karahasang nangyayari sa pang-araw-araw na buhay natin. Ito ang mga uri ng karahasang tila ordinaryo pero malawak at malalim ang ugat. Nagbabayad tayo ng buwis, araw-araw na kumakayod, at lumalaban sa buhay nang patas. Pero ang mga sakim at tiwali ay patuloy tayong ninanakawan ng maginhawang buhay at maunlad na kinabukasan dahil prayoridad nila ang pagkamkam ng salapi at kapangyarihan. Hindi ba’t karahasan din ang gutom, kahirapan, kawalan ng disenteng tirahan, kakulangan sa edukasyon, krisis sa klima, at mga trahedyang dulot ng korapsyon at kasakiman sa yaman?

Mga Kapanalig, ang kahirapan, pagkakait sa karapatan, at kawalan ng katarungan ay mga karahasang hindi dapat natin tinatanggap na parang likas na bahagi ng ating lipunan. Panagutin natin ang mga dapat managot. Alalahanin natin na ang mga pagprotestang madalas na tinatawag nating ”magulo” ay bunga ng mga pang-araw-araw na karahasan. At gaya ng wika sa Isaias 32:16-17, ang bunga naman ng katarungan at katuwiran ay kapayapaan—at ito’y “magdudulot ng katahimikan at pagtitiwala magpakailanman.”

Sumainyo ang katotohanan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 1,530 total reads

 1,530 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 1,660 total reads

 1,660 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 4,087 total reads

 4,087 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 60,491 total reads

 60,491 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 183,997 total reads

 183,997 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 269,291 total reads

 269,291 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Umaalis ang mga nars

 60,492 total reads

 60,492 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 183,998 total reads

 183,998 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 269,292 total reads

 269,292 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »
Scroll to Top