I-regulate ang paggamit ng gadgets sa halip na ipagbawal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,032 total reads

Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) ang mahalagang papel ng mga magulang sa paggabay sa mga bata sa paggamit ng social media at internet, kasabay ng pagpapatupad ng mga patakaran para sa kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni DepEd Assistant Secretary for Governance and Operations–Education Governance-Support Services Roger Masapol na kailangang palakasin ang ugnayan ng mga magulang at paaralan upang matugunan ang mga panganib na maaaring idulot ng labis na paggamit ng social media sa mga bata.

Ayon kay Asec. Masapol, inilunsad ng DepEd ang Kaagapay Program upang muling buhayin ang aktibong pakikilahok ng mga magulang sa edukasyon ng kanilang mga anak, kabilang ang pagtulong na maunawaan ang mga panganib ng social media.

“Ito pong Kaagapay program ay naglalayon po na turuan ‘yung mga parents na kung paano i-address ‘yung nahuhook-up ‘yung mga bata sa social media, ipaliwanag ano ‘yung potential na danger ng social media sa mga bata, at ano ‘yung pwedeng gawin ng mga parents para hindi mapunta sa hindi magandang sitwasyon ‘yung bata sa pag-aaral niya.” Bahagi ng pahayag ni Asec. Masapol sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin niya na kailangang magsimula sa tahanan ang pagtiyak sa kaligtasan ng mga bata, lalo na sa kanilang formative years, kung kailan mahalaga ang patuloy na paggabay ng mga magulang.

“Kaya po, sabi nga namin, ‘yung safety starts at home. So, ang kailangan po talaga, magsimula sa bahay po, lalo na ‘yung mga parents natin.” Dagdag pa ni Asec. Masapol.

Regulasyon sa gadgets, sa halip na lubusang pagbabawal

Sa usapin ng paggamit ng gadgets sa paaralan, sinabi ni Asec. Masapol na ipinagbabawal ng kasalukuyang patakaran ng DepEd ang paggamit ng mga ito habang may klase, ngunit hindi kailangang kumpiskahin ang mga gadget dahil maaari namang manatili ang mga ito sa loob ng bag ng mga mag-aaral.

Ipinaliwanag din ng opisyal na may mga magulang na umaasa sa cellphone upang regular na makumusta ang kanilang mga anak at matiyak ang kanilang kaligtasan habang nasa paaralan.

Samantala, iniulat din ni Asec. Masapol ang pagkuha ng mga school counselor associate upang matugunan ang kakulangan sa guidance personnel sa mga paaralan.

Ipinaliwanag niyang isa sa mga hamon sa pagkuha ng Registered Guidance Counselors (RGCs) ay ang mataas na qualification requirements na hindi dating katumbas ng sapat na kompensasyon.

“So, kahit mayroong bakante, hindi siya attractive ‘yung RGC before na salary grade 11 pero ang taas ng qualification standard… Sa private sector, mataas po ‘yung offer. So, naturally, ‘yung mga registered guidance counselor natin ay pipiliin ‘yung economically viable po sa kanila.” Ani Asec. Masapol.

Bilang tugon, ibinahagi ni Asec. Masapol na lumikha ang DepEd ng mga posisyon para sa school counselor associates na may mas mababang qualification requirements, kabilang ang mga nagtapos sa Psychology, Behavioral Science, Child Development at iba pang kaugnay na kurso, alinsunod sa mga pamantayan sa pagkuha ng kawani.

Ayon kay Asec. Masapol, mahigit 6,000 na ang na-hire mula sa humigit-kumulang 10,000 na inilaan na posisyon, batay sa huling ulat na natanggap ng kagawaran mula sa Human Resource Services, kung saan target itong makumpleto sa ikaapat na quarter ng 2026.

Dagdag pa ni Asec. Masapol na nagpapatuloy din ang proseso ng pagtataas sa Salary Grade 16 ng mga registered guidance counselor na kasalukuyang nasa Salary Grade 11.
Sa kabuuan, iginiit ng opisyal na mahalaga ang pagtutulungan ng tahanan at paaralan upang maprotektahan ang mga bata, magabayan sila sa responsableng paggamit ng teknolohiya, at matiyak na may sapat silang suportang pang-edukasyon at pangkaisipan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 13,471 total reads

 13,471 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 49,136 total reads

 49,136 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 105,542 total reads

 105,542 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 228,556 total reads

 228,556 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top