Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,407 total reads

Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon. 

Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at tatlong labî ng pusa na natagpuang nakatambak sa isang bakanteng lote sa Bulacan. Isang pet crematorium sa Cavite ang sinasabing nasa likod nito. Parang mga basurang iniwan ang saku-sakong labî ng mga hayop. Sa bawat sako, nakasulat pa ang pangalan ng mga hayop na minsang nagbigay ng saya sa buhay ng kanilang tagapangalaga. 

Nakasara na ang naturang pet crematorium. Hinimok ng Philippine Animal Welfare Society (o PAWS) ang mga may-ari ng mga itinambak na mga hayop na magsampa ng kaso laban sa crematorium. Bagamat maaari raw na hindi direktang labag sa Animal Welfare Act ang ginawa crematorium dahil patay na ang mga hayop nang ibigay sa kanila, maituturing naman daw itong “grave betrayal of public trust” sa ilalim ng Revised Penal Code. Paliwanag ng PAWS, hindi lamang ito kabiguang ibigay ang serbisyong ipinangako ng crematorium; tahasang panloloko ang ginawa nito sa mga pet owners. Nanawagan din ang grupo na imbestigahan ang crematorium kung kumpleto ito sa mga kinakailangang permit para mag-operate at kung wala itong nilabag na mga patakarang pangkalikasakan at kalusugan sa pagtatambak ng mga labi ng hayop. Paalala ng PAWS sa pet owners, itago ang kanilang mga ebidensya at magsama-sama sila upang hindi na ito maulit sa iba pang nagluluksang pet owners. “Ang tiwala ng nagluluksang pamilya,” ayon sa grupo, “ay hindi dapat pinagsasamantalahan.”

Ayon sa kapulisan, mahigit dalawaandaang pet owners na ang pormal na nagsampa ng kaso laban sa may-ari ng pet crematorium na nanuna nang itinanggi ang mga paratang. Pinasusuri na rin ang mga abong ibinigay ng crematorium sa mga pet owners para matiyak kung labî nga ito ng hayop. Dagdag pa ng pulis, ang panawagan ng pet owners ay katarungan, hindi simpleng pagbabalik ng kanilang ibinayad na pera.

Samantala, may iba pang kaso ng pagtatambak ng labî ng mga hayop sa iba pang lugar sa Bulacan. Tinitingnan kung may kaugnayan sa unang insidente.

Ang pangangalaga sa sangnilikha—kasama ang mga hayop—ay nananatiling hamon sa ating lahat. Bawat nilalang ay nilikha batay sa karunungan ng Diyos. Katulad ng paalala sa Mga Awit 104:24, “Kay dami ng inyong mga ginawa, Panginoon. Nilikha nʼyo ang lahat ayon sa inyong karunungan. Ang buong mundo ay puno ng inyong nilikha.” Sa madaling salita, walang nilikha ang Diyos na dapat ituring na parang basura kahit pa sa katapusan ng buhay nito. 

Kung mapatutunayan ang panloloko ng pet crematorium, makikitang ang labî ng mga yumaong hayop at ang pagdadalamhati ng pet owners ay kinasangkapan para sa pera. Ginamit ang pagmamalasakit sa mga namatay na hayop para manloko at kumita. Malinaw na taliwas ito sa karunungan at plano ng Diyos sa sangnilikha at sangkatauhan. Ayon nga kay San Francisco ng Assisi, kung may mga taong kayang pagkaitan ng malasakit at awa ang alinmang nilikha ng Diyos, sa parehong paraan, may mga taong kayang isantabi ang kanilang kapwa-tao. Samakatuwid, iisang pagpapahalaga ang nagkukulang sa atin bilang mga tao kapag nilalapastangan natin ang mga hayop at niyuyurakan natin ang dignidad ng ating kapwa-nilikha—malasakit.

Mga Kapanalig, maaaring para sa iba ay maraming mas mabigat na isyung dapat unahin kaysa sa mga itinambak na labî ng mga namatay na hayop. Pero nagsisilbi itong salamin ng ating lipunan. Saan tutungo ang isang lipunang salat sa malasakit, sa tao man o sa hayop? Paano natin pinahahalagahan ang buhay hanggang sa puntong malagot ito sa mga kapwa-nilikha natin? Samantala, kung gaano natin pinahahalagahan ang mga alaga nating hayop, ganoon din sana ang pagpapahalaga natin sa ating kapwa-tao.

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salat sa malasakit

 4,408 total reads

 4,408 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 105,673 total reads

 105,673 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 175,850 total reads

 175,850 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 262,345 total reads

 262,345 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 305,132 total reads

 305,132 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 105,674 total reads

 105,674 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 175,851 total reads

 175,851 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 262,346 total reads

 262,346 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 305,133 total reads

 305,133 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »
Scroll to Top