Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,355 total reads

Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon. 

Mayorya ng mga upuan sa kanilang House of Representatives at Senado ay nakuha ng mga kandidato mula sa Democratic Party; si Pangulong Trump ay mula naman sa Republican Party. Ang ibig sabihin nito, mas malakas na muli ang tinatawag na “legislative check” sa ehekutibong sangay. Sa mahabang panahon kasi, kontrolado ng mga kakampi at kapartido ni Pangulong Trump ang Kongreso doon, kaya natatabunan ang mga kumukuwestyon sa kanyang mga ginagawa. Ngayon, ayon sa mga analysts, magiging malaking hamon para kay Pangulong Trump ang pagkuha ng suporta ng mga kongresista at senador para sa mga gagawin niya sa nalalabing panahon ng kanyang termino.

Malayo man ang Amerika sa Pilipinas, ramdam na ramdam natin ang epekto ng mga ginagawa ng kanilang gobyerno. Pinakamatindi sa mga ito ang giyerang sinimulan ng Amerika sa Middle East, partikular na sa Iran, sa unang bahagi ng 2026. 

Krisis na ngang maituturing ang pagsirit ng presyo ng langis, lalo pa’t 95% ng langis natin ay inaangkat mula sa Middle East. Dahil sa giyera, pahirapan ang paglabas ng langis sa rehiyon, at ang resulta nito ay mas kaunting suplay at mas mahal na presyo. Naaalala pa ba ninyo nang lumampas sa sandaang piso ang kada litro ng diesel? Napililtan ang gobyerno natin na magdeklara ng national energy emergency. Sumunod dito ang pagtaas ng pamasahe, singil sa kuryente, at presyo ng mga pagkain. Dahil malaking bahagi ng kinikita ng mga ordinaryong pamilya ang napupunta sa mga bagay na ito, bumagsak sa kanila ang bigat ng krisis.

Marami rin sa mga overseas Filipino workers (o OFW) ay nagtatrabaho sa Middle East. Nasa 2.5 milyon ang OFW doon, kaya hindi biro ang bilang ng mga pamilya nila rito na umaasa sa kanilang remittances. Dahil malapit sila sa lugar kung saan may kaguluhan, may mga pinagtatrabahuhan sila na nagbawas ng operasyon o tuluyang nagsara. Depende sa bansang target puntahan ng mga Pilipinong manggagawa, may mga lugar na hindi pinapayagang pumasok ang mga bagong OFW. Maaari namang bumalik ang mga kababayan nating may umiiral na employment contracts, pero hindi man apektado ang kanilang trabaho, nalalagay naman sa panganib ang kanilang buhay. 

Maliban sa giyerang sinimulan ng Amerika, apektado rin ang ating ekonomiya ng mas matass na buwis na ipinapataw sa mga produktong ine-export natin. Maswerte pa rin tayo kumpara sa mga kapitbahay natin na pinatawan ng mas mataas na tariff, pero ang patakarang ito ng Amerika ay nagpahina sa halaga ng piso laban sa dolyar. Kapag mas mahina ang piso—ibig sabihin, mas maraming piso ang kailangan para bilhin ang mga produktong dolyar ang halaga—nagiging mas mahal ang mga ini-import nating produkto gaya nga ng langis. 

Ilan lamang ang mga epektong ito sa katotohanang kinikilala maging ng mga panlipunang turo ng Simbahan: na ang lahat ng tao ay magkakaugnay, at ang mga bansa ay dapat nakasalalay sa isa’t isa. Ang desisyong ginagawa ng mga makapangyarihang bansa katulad ng Estados Unidos ay may kaakibat na responsabilidad dahil may implikasyon ito sa mga bansang hindi nila kasinlakas o kasinlaki, gaya ng Pilipinas. Kapag ang isang malaking bansa ay gumagawa ng hakbang na hindi lang nagpapataas sa presyo ng langis kundi nagbabanta sa buhay ng mga mamamayan, nalalagay sa alanganin ang prinsipyo ng solidarity. Dapat tandaan ng mga tinaguriang global superpowers na hindi lang dapat sarili nilang interes ang kanilang itinataguyod. 

Mga Kapanalig, gaya ng paalala sa 1 Timoteo 2:1-2, “idalangin [natin] ang mga may kapangyarihan, upang tayo’y makapamuhay nang matahimik, mapayapa, maka-Diyos at marangal.”

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 3,356 total reads

 3,356 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 53,121 total reads

 53,121 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 154,387 total reads

 154,387 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 224,563 total reads

 224,563 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 310,913 total reads

 310,913 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Salat sa malasakit

 53,122 total reads

 53,122 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 154,388 total reads

 154,388 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 224,564 total reads

 224,564 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 310,914 total reads

 310,914 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »
Scroll to Top