Proteksyon ng mga manggagawa laban sa AI, isinulong ni Senador Tulfo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,654 total reads

Isinusulong ni Senator Erwin Tulfo ang panukalang batas na magbibigay ng proteksyon sa mga manggagawang posibleng mawalan ng trabaho dahil sa paggamit ng artificial intelligence (AI), partikular sa mga industriya ng business process outsourcing (BPO), call centers at broadcasting.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, ipinaliwanag ni Tulfo na siyang may-akda ng Senate Bill No. 2563, na layunin ng panukala na matiyak na hindi basta-basta tatanggalin ang mga empleyadong mapapalitan ng AI, nang walang sapat na paliwanag, kompensasyon at paghahanda para sa kanilang susunod na trabaho.

Ayon sa Senador, nagsimula na ang paggamit ng AI sa iba’t ibang serbisyo, kabilang ang mga bangko at credit card companies, kung saan automated systems na ang sumasagot sa mga katanungan ng mga kliyente.
Gayunman, higit na ikinababahala ni Tulfo ang posibleng epekto nito sa libu-libong Pilipinong nagtatrabaho sa mga call center at BPO companies.

“Dahil ‘pag ‘yan po ay mga pinalitan na, libo-libong po’ng mga Pilipino ang mga ini-employ po ng mga call centers natin at saka ng mga BPO,” Bahagi ng pahayag ni Tulfo sa Radyo Veritas.

Kabilang sa mga safeguard na inilatag sa Senate Bill 2563 ang pagtiyak na may tunay at sapat na pangangailangan ang kumpanya na palitan ng AI ang mga manggagawa, at maipakita kung makatitipid at magiging mas mahusay at produktibo ang operasyon nito.

Kailangan ding maayos na ipaliwanag sa mga empleyado ang dahilan ng paggamit ng AI at ang posibleng tanggalan ng trabaho, habang nakasaad din sa panukala ang pagbibigay ng kompensasyong katumbas ng hindi bababa sa dalawang buwang sahod kada taon ng kanilang paninilbihan sa kumpanya.

Iginiit din ni Tulfo na mahalagang magkaroon din ng retooling o pagsasanay sa mga bagong kasanayan ang mga manggagawang maaapektuhan upang magkaroon sila ng kakayahang makahanap ng ibang trabaho.

Dagdag pa rito, hinihikayat ang mga kumpanya na hangga’t maaari ay tulungan ang mga empleyadong matatanggal na makahanap ng ibang mapapasukang kumpanya sa pamamagitan ng kanilang mga koneksyon at business partners.

“Hindi naman po sibak na sibak na lamang at makagamit din ang mga ibang kumpanya na sasabihin, ‘Eh mag-a-AI na tayo.’ Kailangan po makita po talaga, maipaliwanag number 1, kung talagang makatipid ‘yung mga kumpanya sa AI. Number 2, ika nga, ay kung magiging more efficient and productive ang kumpanya,” Dagdag pa ni Tulfo.

Binigyang-diin din ng mambabatas na hindi lamang simpleng pagtanggal sa trabaho ang dapat isaalang-alang, kundi ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga manggagawa na magkaroon ng panibagong kakayahan.

“Bago sila alisin sa kumpanya, meron po silang ibang skills na magagamit, hindi lamang po sa customer relations, customer service, kundi other pa po,” Ani Tulfo.

Partikular ding binanggit ng Senador ang posibleng epekto ng AI sa mga manggagawa sa radio at television industry, kabilang ang mga talent at iba pang empleyado sa broadcasting.

Ayon kay Tulfo, maaaring magkaroon ng mga bagong kasanayan ang mga manggagawa sa media tulad ng scriptwriting at production upang magkaroon sila ng alternatibong kakayahan sakaling mabawasan ang pangangailangan sa kanilang kasalukuyang trabaho.

“Kagaya po ninyo sa radio, TV talent, ‘yung voice po ninyo, pwede po sigurong panibagong skill na script writing, ‘yung mga ganun po, ‘yung producing,” Ayon pa kay Tulfo.

Dagdag pa ng Senador, kailangang paghandaan ng Pilipinas ang paglawak ng paggamit ng AI sa trabaho, dahil nakikita na ang ganitong pagbabago sa ilang industriya sa ibang bansa.

Inihayag din ni Tulfo na nakatakdang magsagawa ng pagdinig ang Senate Committee on Labor kaugnay ng panukala, na ayon sa Senador ay inaasahang sisimulan matapos ang mga nakatakdang usapin sa impeachment, na posibleng sa Disyembre o Enero.

Ayon sa mambabatas, plano ring imbitahan ang mga kinatawan mula sa broadcasting industry, call centers at BPO sector upang direktang marinig ang kanilang mga karanasan, pangangailangan at mungkahing proteksyon.

“Pero kailangan we need to hear it from you, ‘yung mga maapektuhan,” Dagdag pa ni Tulfo.

Aminado rin si Tulfo na ang mga safeguard na nakapaloob sa panukala ay ilan pa lamang sa mga posibleng hakbang na maaaring isaalang-alang, kaya mahalaga ang pakikinig sa mga manggagawang direktang maaapektuhan ng pagbabago.

Sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, mahalagang matiyak na hindi maiiwan ang mga manggagawa at mananatiling kinikilala ang kanilang dignidad at karapatan, kaakibat din ito ng paninindigan ng Simbahan sa katarungang panlipunan, kung saan ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang nasusukat sa kahusayan at pagtitipid ng mga negosyo, kundi sa kung paano nito pinangangalagaan ang tao, ang kanyang kabuhayan at ang kanyang kinabukasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 32,950 total reads

 32,950 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 80,594 total reads

 80,594 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 181,860 total reads

 181,860 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 252,036 total reads

 252,036 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 336,579 total reads

 336,579 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top