Catholic schools, parokya, religious community at mamamayan, inatasang suportahan ang Anti-Political Dynasty law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,387 total reads

Hinimok ni Bacolod Bishop Louie Galbines ang mga parokya, paaralang Katoliko, relihiyosong komunidad at mga mananampalataya sa diyosesis na suportahan ang Dapat Isa Lang People’s Initiative, isang pambansang kampanya para sa pagpasa ng tunay na Anti-Political Dynasty Law.

Sa pamamagitan ng panibagong liham sirkular, nanawagan si Bishop Galbines ng aktibong pakikilahok ng Simbahan sa pangangalap ng mga lagda para sa panukalang batas na naglalayong limitahan ang sabay-sabay o sunod-sunod na paghawak ng mga halal na posisyon ng magkakamag-anak hanggang ikaapat na antas ng pagkakamag-anak o relasyon sa pag-aasawa.

Alinsunod sa Article II, Section 26 ng 1987 Philippine Constitution, tungkulin ng Estado na tiyakin ang pantay na pagkakataon sa paglilingkod-bayan at ipagbawal ang mga political dynasty ayon sa itatakda ng batas.

Binigyang-diin ni Bishop Galbines na ang pagkonsentra ng kapangyarihang pampolitika sa iilang pamilya ay maaaring magpahina sa mga institusyong demokratiko, magpahina sa pananagutan at transparency, at magpatuloy sa mga sistemang nagpapahirap na labanan ang korapsyon.

Ayon kay Bishop Galbines, “public office is a public trust, not a family inheritance.”
Ipinaliwanag din ng Obispo na ang pagsuporta ng Simbahan sa inisyatiba ay hindi nangangahulugan ng pag-endorso sa anumang partido o kandidato, kundi pagpapakita ng pananagutang Kristiyano na isulong ang makatarungan at mapanagutang lipunan.

Bilang bahagi ng kampanya, hinimok ni Bishop Galbines ang mga parokya at paaralang Katoliko na magpalabas ng mga opisyal na educational video ng Dapat Isa Lang Movement pagkatapos ng Banal na Misa o sa mga campus bulletin, simula sa Dakilang Kapistahan ni Kristong Hari.

Hiniling din ng Obispo ang pagdaraos ng mga talakayan at educational forum, partikular sa mga paaralan at unibersidad, sa pakikipag-ugnayan sa Diocesan Commission on Social Action.

Inatasan din ni Bishop Galbines ang mga parokya na magtayo ng mga petition-signing desk sa mga lugar na madaling puntahan ng mga mananampalataya, bago o pagkatapos ng Misa, kung saan hinihikayat din ang Parish Youth Ministry at Social Communications Ministry na manguna sa inisyatiba, katuwang ang mga kura paroko at organisador ng kampanya.

Kasabay nito, hinikayat din ng Obispo ang responsableng pagpapalaganap ng mga opisyal na materyales ng kampanya sa pamamagitan ng parish bulletins, social media, school publications at iba pang mga plataporma.

Pinaalalahanan din ni Bishop Galbines ang mga mananampalataya na suportahan ang inisyatiba nang may sapat na kaalaman at matapat na hangaring itaguyod ang kabutihang panlahat.

“Let our faith move us beyond indifference and inspire us to take part in building a society where public service is truly a service to the people,” Panawagan ni Bishop Galbines.

Sa paninindigan ng Simbahan, ang pagsusulong ng mabuting pamamahala, pananagutan at pantay na pagkakataon sa paglilingkod-bayan ay bahagi ng pagtataguyod sa katarungan at kabutihang panlahat, upang matiyak na ang kapangyarihan ay ginagamit para sa kapakanan ng mamamayan at hindi para sa pansariling interes ng iilang pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 20,272 total reads

 20,272 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 156,221 total reads

 156,221 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 241,600 total reads

 241,600 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 305,438 total reads

 305,438 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 384,744 total reads

 384,744 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top