Pope Leo XIV, ibinahagi ang mahahalagang aral ng apostolic journey sa South America

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,252 total reads

Hinimok ng Kanyang kabanalan Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na maging instrumento ng pagkakaisa, pag-asa at pakikinig sa kapwa, kasunod ng kanyang pagbabalik mula sa apostolic journey sa Uruguay, Argentina, at Peru noong Nobyembre 6 hanggang 17, 2026.

Sa kanyang ulat bilang Vatican Correspondent ng Radio Veritas, sinabi ni Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma na tinalakay ng Santo Papa sa kanyang Wednesday General Audience ang mahahalagang mensahe at karanasan mula sa kanyang pagbisita sa tatlong bansa sa South America.

Ayon kay Fr. Gaston, karaniwang ibinabahagi ni Pope Leo XIV sa mga mananampalataya ang buod at mahahalagang aral mula sa kanyang mga apostolikong paglalakbay, bilang bahagi ng kanyang misyon bilang kahalili ni San Pedro at pastol ng buong Simbahan.

Binigyang-diin din ni Fr. Gaston na hindi lamang mga Katoliko ang saklaw ng misyon ng Simbahan, kundi maging ang mga hindi Katoliko, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng pananampalataya at mabuting halimbawa nang walang pamimilit.

“As usual, hindi lamang Katoliko ‘yung pinagdarasal natin, inaalagaan natin, tinutulungan natin, even non-Catholics, ‘no? Kumbaga open tayo, we share whatever we have sa mga non-Catholics, pati na rin ang pananampalataya. Hindi po pilitan, ha? Bawal pumilit” Bahagi ng pahayag ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ng Pari mas naaangkop na maakit ang iba sa pananampalataya sa pamamagitan ng kabutihan, kapayapaan at pagmamahal na ipinakikita ng mga Kristiyano.

Ipinaliwanag din ni Fr. Gaston na bawat mananampalataya ay may misyon na dalhin ang mensahe ng Panginoon saanman sila naroroon maging sa Pilipinas man o sa ibang bansa.

“So ‘yan ang ating misyon. Apostol din tayo, hindi lang si Pope Leo, hindi lang mga obispo, hindi lang kami mga pari, mga apostol, hindi lang mga madre. Lahat tayo apostol.” Dagdag pa ni Fr. Gaston.

Ayon kay Fr. Gaston, sa Uruguay ay binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang papel ng mga Kristiyano bilang instrumento ng pagkakaisa, lalo na sa panahong humihina ang pananampalataya at nababawasan ang bilang ng mga nagsisimba.

Kaugnay nito, hinikayat ni Fr. Gaston ang mga Katoliko na huwag lamang sikaping makumpleto ang Simbang Gabi, kundi maging regular din sa pagdalo sa Banal na Misa tuwing Linggo.

“Maganda nga makumpleto ‘yung Simbang Gabi, kaso mas maganda kung makumpleto lahat ng linggo sa buong mundo, sa buong taon,” Ani Fr. Gaston, habang pinaalalahanan ang mga mananampalataya na bigyang-prayoridad ang kanilang buhay pananampalataya.

Inihayag naman ni Fr. Gaston na sa Argentina, inalala ni Pope Leo XIV ang yumaong Pope Francis na nagmula sa Buenos Aires, at hinikayat ang mga mananampalataya na ipagpatuloy ang kanyang mga aral, partikular ang synodality at kahalagahan ng pakikinig.

Ayon kay Fr. Gaston, mahalagang matutuhan ng bawat isa ang tunay na pakikinig sa kapwa bago magbigay ng payo o paghuhusga.

Samantala ibinagi rin ni Fr. Gaston na sa Peru, muling nakadaupang-palad ng Santo Papa ang mga taong naging bahagi ng kanyang paglilingkod bilang misyonero at Arsobispo sa Chiclayo.

Pagbabahagi ng Pari, ipinahayag ni Pope Leo XIV ang pakiramdam na muling makauwi sa kanyang sariling tahanan.

Hinimok din umano ng Santo Papa ang mga kabataan na huwag mawalan ng pag-asa at magpatuloy sa paggawa ng mabuti, kahit hindi agad nakikita ang bunga ng kanilang pagsisikap.

“Patuloy lang tayo, kasi ‘yung bunga naman Panginoon magbibigay,” Ayon pa kay Fr. Gaston.

Sa kabuuan, ibinahagi ni Fr. Gaston na ipinapaalala ng apostolikong paglalakbay ni Pope Leo XIV na ang misyon ng Simbahan ay hindi lamang nakatuon sa pagpapalaganap ng pananampalataya, kundi sa aktuwal na pagsasabuhay nito sa pamamagitan ng pagkakaisa, pakikinig, pag-asa at pagmamahal sa kapwa.

Sinabi ng Pari sa diwa ng pagiging Simbahang misyonero at synodal, inaanyayahan ang bawat mananampalataya na maging saksi ni Kristo sa kani-kanilang komunidad, at maging instrumento ng kapayapaan at pagkakaisa saanman sila naroroon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 20,271 total reads

 20,271 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 156,220 total reads

 156,220 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 241,599 total reads

 241,599 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 305,437 total reads

 305,437 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 384,743 total reads

 384,743 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top