Philippine delegate sa COP31, dismayado

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 435 total reads

Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change.

Sa panayam ng Radyo Veritas kay Rachelle Junsay, national coordinator ng Youth Advocates for Climate Action Philippines, hindi naipalita sa binalangkas na kasunduan ang mga panawagan ng mga bansang higit na apektado ng pagbabago ng klima, kabilang ang Pilipinas.

“And I would agree po to the other room who’ve spoken already na this year’s result po was a big disappointment dahil pag-atras po talaga ito mula doon sa mga improvements, saka mga genuine solutions na naabot na natin mula noong mga nakaraang taon,” ayon kay Junsay sa panayam ng Radyo Veritas.

Ikinadismaya ni Junsay ang pagtanggal sa malinaw na plano para sa unti-unting paghinto sa paggamit ng fossil fuels.

Aniya, sa halip na palakasin ang napagkasunduan sa mga nakaraang climate summit, hindi na isinama sa huling dokumento ang mismong terminong fossil fuels.

Gayundin ang kakulangan ng sapat na pondong tutulong sa mga bansang mahihirap at lubhang apektado ng climate change na makaangkop sa epekto nito, kabilang dito ang Pilipinas na patuloy na nakararanas ng matitinding bagyo at iba pang kalamidad.

At ang kawalan ng malinaw na mekanismo para subaybayan at panagutin ang mga bansang may malaking greenhouse gas emissions mula sa kanilang operasyon militar, lalo na sa gitna ng dumaraming digmaan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

“At sa amin po yung taon-taon namin talagang dine-demand na taon-taon din natin hindi nakikita talaga doon sa cover decision, ay yung kakulangan ng accountability doon sa military emissions. Lalo na po ngayon sa buong daigdig ay mas dumadami yung mga panggigera,” saad pa ni Junsay.

Binatikos din ni Junsay na dumalo sa pagtitipon ang hindi nabibigyang-pansin ang kinabukasan ng mga kabataan sa mga desisyong direktang makaaapekto sa kanilang buhay.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 436 total reads

 436 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 635 total reads

 635 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 11,180 total reads

 11,180 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 134,312 total reads

 134,312 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 184,676 total reads

 184,676 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 311,734 total reads

 311,734 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 396,759 total reads

 396,759 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top