Kritikal na pag-iisip sa kritikal na panahon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,423 total reads

Kritikal na pag-iisip sa kritikal na panahon

Mga Kapanalig, ngayon po ay World Press Freedom Day, at ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Critical Minds for Critical Times.” Nais bigyang-tuon ng UNESCO ang papel ng media sa pagsusulong ng isang lipunang mapayapa, makatarungan, at walang isinasantabi.

Sa tulong ng teknolohiya, nalampasan na nga natin ang hamon kung paano pabibilisin ang paghahatid ng balita at impormasyon. Sa pag-usad ng panahon, ang mga tradisyunal na media gaya ng diyaryo, radyo, at telebisyon ay unti-unti nang nauungusan ng mga tinatawag na alternative media katulad ng mga websites, blogs, at social networking sites. Gamit ang internet, mas madali na nating malaman ang mga nagaganap sa ating paligid ora mismo o “in real time.” Hindi na natin kailangang hintayin ang balita mamayang gabi sa TV o bukas sa diyaryo. Isang click lang sa computer o smartphone, alam na ng marami sa atin ang balita.

Ngunit mabilis din nating natatanggap ang mga balita at impormasyong mula sa mga tao o grupong nais lituhin at impluwensyahan ang pananaw ng publiko para sa kanilang sariling agenda. Dahil malinaw na binabaluktot ng mga ito ang tamang impormasyon, tinatawag ang mga balitang ito na “fake news,” mga pekeng balita. Ito ngayon ang bagong malaking hamon sa media: Paano matitiyak na tama at may batayan ang mga balita at impormasyong natatanggap ng mga tao? Mahalagang wasto ang nilalaman ng mga balita upang mahubog nga ang mga “critical minds” sa yugtong ito ng “critical times.” Ngunit dahil marami ang hindi nagagawang suriing mabuti ang mga balitang natatanggap nila at saliksikin ang mga taong nagpapalaganap ng mga ito, marami tayong mga kababayan ang naniniwala agad sa fake news. Nakababahala ito, mga Kapanalig.

May ilang ginagamit din ang katagang “fake news” para naman pasinungalingan ang mga balitang batay sa tunay na datos at malayang pananaliksik at pagsisiyasat ng mga lehitimong mamamahayag. Sinabi kamakailan ng tagapagsalita ng ating pangulo na peke ang mga ulat na nagsasabing mahigit 7,000 na ang mga namamatay bunsod ng giyera kontra droga. Dapat daw tawagin ang mga kasong ito na “death under investigation”. (Paglilinaw lamang po, mga Kapanalig, ang bilang na 7,000 ay tumutukoy sa mga biktima ng extra-judicial killings o pagpatay sa sinuman, may kinalaman man sa droga o wala. At ang malaking bilang na ito ang patuloy na ikinababagabag natin sa Simbahan at ng mga grupong nagtataguyod ng karapatang pantao.)

Panganib ang hatid ng maling impormasyon, at ang sinumang lumalahok sa pagpapalaganap ng mga ito sa tradisyunal o alternatibong media ay nagiging instrumento ng pagbabaluktot ng kung ano ang tama at bumubulag sa marami upang hayaang mamayani ang mga maling gawain.

Minsan nang pinayuhan ni Pope Francis ang mga kasapi ng media na maging maingat sa pagpili ng mga balita at impormasyong kanilang isusulat o ipalalabas. Inihalintulad niya ang labis na pagtutok ng media sa mga iskandalo at paninirang-puri, gayundin ang pagpapalaganap nila ng pekeng balita sa pagkahilig sa dumi. Ang media, sabi ng Santo Papa, ay dapat na nagpupursiging maging malinaw, maging mga institusyong walang itinatago.

Maliban sa mahalaga ang makatotohanang balita at impormasyon upang maging mas kritikal at mapanuri ang mga tao, ang media ay dapat na nagbibigay ng impormasyong naglilingkod sa kabutihan ng lahat. Itinuturo sa atin ng Simbahang, “Society has a right to information based on truth, freedom, justice, and solidarity.” At nasa balikat ng media ang pagtataguyod ng karapatang ito.

Mga Kapanalig, malaki ang papel na ginagampanan ng media sa paghubog ng opinyon at pananaw ng mga tao kaya’t mahalagang malaya itong nakakapangalap at nakapagbabahagi ng tamang balita at wastong impormasyon sa mga tao. Subaybayan at bantayan din natin ang ating media upang tiyaking ang mga tagapaghatid ng balita ay instrumento ng tunay na katotohanan, hindi ng “fake news.”

Sumainyo ang katotohanan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 1,590 total reads

 1,590 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 1,720 total reads

 1,720 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 4,154 total reads

 4,154 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 60,559 total reads

 60,559 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 184,065 total reads

 184,065 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 269,355 total reads

 269,355 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bunga ng araw-araw na karahasan

 4,155 total reads

 4,155 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 60,560 total reads

 60,560 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 184,066 total reads

 184,066 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »
Scroll to Top