Environmental group kay Cimatu: Pangalagaan ang Sierra Madre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 386 total reads

Umaasa ang ilang environmentalist na magiging mapagmahal din sa kalikasan si Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu.

Si Cimatu ang bagong itinalagang kalihim ng DENR kapalit ni Gina Lopez na sinusuportahan ng iba’t ibang environment group dahil sa pagpabor nito sa mga mahihirap at paglaban sa mga kompanya ng minahan na sumisira sa kalikasan.

Ito ang inaasam ni Fr. Pete Montallana, Chairman ng Save Sierra Madre Network Alliance at miyembro ng ng Green Thumb Coalition (GTC) .

Naniniwala rin si Fr. Montallana, bagamat maraming kinasangkutang alegasyon si Cimatu ay posible pa rin itong baguhin ng Panginoon.

Dahil dito, umaasa ang Pari na paiiralin ni Cimatu ang pagiging makatao at makakalikasan sa kanyang pamumuno sa DENR.

“Ang Diyos kasi ay pwede namang baguhin ang lahat kahit yung makasalanan kung anong nagawa nung nakaraan. We are still hoping na si Secretary Cimatu, will pursue yung mga sinimulan ni Gina Lopez, partikular dito sa Sierra Madre, meron kaming project na talagang nagkakaisa ang DENR at yung civil society groups na magsama-sama upang ayusin ang Sierra Madre, ipagpatuloy nga yon,” bahagi ng pahayag ni Fr. Montallana sa Radyo Veritas.

Samantala, umaasa din ang GTC na itutuloy ni Cimatu ang pagpapasara at pagsuspinde sa 28 minahan na bumagsak sa industry wide mining audit na sinimulan noong nakaraang taon.

Read:
Itatalagang bagong kalihim, babantayan ng simbahan

Una nang inihayag ng CBCP NASSA Caritas Philippines Executive Secretary Fr. Edu Gariguez na isa pang neophyte o baguhan si Cimatu pagdating sa usaping pangkalikasan.

Binigyang diin naman sa katuruang panlipunan ng Simbahan na hindi dapat manaig ang pansariling interes sa pangangalaga sa karapatan ng mga nakakarami.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 54,984 total reads

 54,984 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 88,386 total reads

 88,386 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 190,212 total reads

 190,212 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 230,770 total reads

 230,770 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 249,057 total reads

 249,057 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 28,675 total reads

 28,675 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 21,606 total reads

 21,606 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top