Saan napupunta ang OFW remittances

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,468 total reads

Nanindigan si Overseas Filipino Workers (OFW) Movement Incorporated Vice President for External Affairs Rashid Fabricante na hindi ang paglaki ng OFW remittances ang dapat bantayan bagkus kung saan ito napupunta at sino ang nakikinabang dito.

Sa ulat na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas, naitala noong buwan ng Marso 2017 ang pinakamataas na OFW remittance na umabot sa $2.91 bilyong dolyar, mas malaki ng 11.8-porsiyento kumpara sa $2.60 bilyong dolyar noong March 2016.

Iginiit ni Fabricante na nararapat na pamilya ng mga OFW ang pangunahing benepisaryo ng pera at hindi dapat gamitin na pambayad sa utang ng pamahalaan.

“Yung pagtaas hindi naman nakakagulat eh, dapat expected ‘yan. Ang masama, sa impact ng pagtaas ng remittances na ‘yan, in the long run anong pakinabang namin. Dapat it [remittances] should redound to the benefit of the OFW family and their communities. Kung mapupunta lang naman yan sa pambayad ng utang, iikut-ikutin lang sa mga bangko rito, anong mangyayari ?” pahayag ni Fabricante.

Sinabi ni Fabricante na dapat maging prayoridad ng gobyerno ang pagtitiyak sa kaligtasan ng mga itinuturing na bagong bayani ng bayan gayundin ang kanilang pamilya.

Sa tala ng Philippine Statistics Authority, umabot sa 2.4 milyon ang bilang ng mga OFW sa buong mundo noong Abril hanggang Setyembre 2015 kung saan 24.7-porsiyento ay nasa Saudi Arabia.

Una nang pinuri ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pagsusumikap at kontribusyon ng mga OFW sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa bagamat may pagkakataon na naisasantabi sila ng lipunan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 15,799 total reads

 15,799 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 54,961 total reads

 54,961 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 90,261 total reads

 90,261 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 316,530 total reads

 316,530 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 208,962 total reads

 208,962 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 292,536 total reads

 292,536 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 405,486 total reads

 405,486 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top