Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 388 total views

Kapanalig, maraming magulang ngayon ang naghahanda na para sa nalalapit na pasukan. Marami nga sa pamilyang Pilipino ngayon, said na ang budget dahil sa tution ng mga anak. Sa gitna ng paghahanda na ito, naitanong na ba natin kung ano nga ba ang estado ng access to education sa ating bansa?

Kapanalig, sa ating bansa, tuwinang nilalayon at pinipilit na makapasok sa paaralan ang lahat ng school-aged children. Kaya nga lamang mahirap ito gawin lalo sa nga sa  mga hanay ng maralita, mga lugar na malalayo o remote, natamaan ng disaster o conflict, at may lubhang kakulangan sa pasilidad at guro.

Ayon nga sa datos ng Save the Children, bagaman madalas mataas ang attendance rate sa ating bansa, mga 6.2 million primary-school aged na  mga bata ang hindi nakakapasok sa paaralan. Ayon naman sa datos ng Deped nitong 2011-2012, mga 6.38% ng mga batang nasa elementarya ang nag-do drop-out, habang 7.82% naman sa high school.

Ang mga public schools natin ay walang tuition; libre ito at bukas sa lahat. Kaya lamang, ang gastos sa pag-aaral ay hindi lamang para sa tuition. Kailangan din ng mga gamit gaya ng bag, kwaderno, baon. Ang mga ito ay mahal para sa maralita.

Kailangan din ng oras, kapanalig, at maraming mga kabataan, lalo sa maralita ang kulang nito. Kailangan kasi nila ang oras para tumulong sa pagtatrabaho. Alam naman natin na maraming mga bata sa ating bayan ang katuwang ng mga magulang sa pagtatrabaho. Umaabot nga sa mahigit  limang milyon ang child laborers sa ating bansa na may edad 5 hanggang 17, ayon sa International Labour Organization (ILO).

Marami pa ang kailangan nating gawin kapanalig, upang mapanatili nating nasa paaralan ang mga bata. Unang-una, kailangan nating masigurado na ang mga magulang ay prayoridad din ang edukasyon ng kanilang mga anak. Kahit pa kasi maraming programang nilalatag ang gobyerno, kung ang magulang mismo ay hindi pinapasok ang mga anak nila sa paaralan, mawawalang saysay ang mga pagbabago.

Ang gobyerno naman ay nararapat na isuguro na may paaralang mapapasukan ang mga bata—mga paaralang accessible sa lahat. Maraming mga kanayunan sa ating bansa, kapanalig, walang public school. At dapat hindi lamang tayo malimita ng struktura. May mga paraan upang mabigyan ng primary education ang mga bata kahit sa lugar na mahirap abutin ng abutin ng formal schooling. Ang mga mobile schools, halimbawa para sa mga streetchildren. Sa mga remote areas, ang e-learning at iba pang inobasyon ay maari nating subukan at palawigin.

Kapanalig, ang edukasyon ay yaman ng tao. Ayon nga sa Populorum Progressio, ang economic growth ay nakasalalay sa pagsulong ng tao, kaya nga’t ang basic education ay dapat pundasyon ng kahit anong development plan. Dinggin natin ang gabay nito: Ang gutom para sa edukasyon ay gaya rin ng gutom ng katawan: nakapanliliit at nagnakaw ng dignidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 40,164 total views

 40,164 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 114,778 total views

 114,778 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 194,857 total views

 194,857 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 237,996 total views

 237,996 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 236,676 total views

 236,676 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mula Batanes hanggang… saan?

 40,165 total views

 40,165 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 114,779 total views

 114,779 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 194,858 total views

 194,858 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 237,997 total views

 237,997 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »
Scroll to Top