147 total views
Nilinaw ni European Union (EU) Ambassador to the Philippines Franz Jessen na walang kapalit na kondisyon ang development assistance na ipagkakaloob ng EU sa Pilipinas.
Ipinaliwanag ni Jessen na tanging standard conditions ang hinihiling ng EU katulad sa ibang mga bansa na kanilang natutulungan at hindi kalakip ng 250 million euros o P13.8 bilyong pisong grant ang usapin sa human rights.
“There’s no specific condition for the Philippines. What we do here in the Philippines is in line with what we do in other countries around the world, the same condition with China and Vietnam. It’s standard conditions. Human rights discussion is in a sense unrelated to our development assistance.,”pahayag ni Ambassador Jessen.
Tiniyak ni Ambassador Jessen na mapupunta sa pangunahing pangangailangan ng Pilipinas ang EU aid at hindi upang maniobrahin ang sistema ng gobyerno.
“You talk about for example things like corruption that if a project is heavily tainted by corruption, then we think how to do that and so on. So it’s standard conditions. Also in any project you have of course specification what type of assistance we are offering. So if we support the health sector then the money should go to the health sector, they should not go to another department. So it’s standard,” dagdag pa nito.
Una nang tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing tulong dahil sa mariing pagtutol ng EU
sa anti-drug campaign ng administrasyon at extrajudicial killings sa bansa.
Inaasahan namang makikipagpulong si Ambassador Jessen kay Foreign Affairs Secretary Allan Cayetano sa susunod na linggo dahil hanggang ngayon ay wala pa rin silang natatanggap na pormal na liham mula sa pamahalaan.
Magugunitang umabot na sa 127.8 bilyong piso ang naitulong ng E-U sa bansa simula 1992 kung saan ang malaking bahagi nito ay napunta sa mga proyektong pangkapayapaan sa Mindanao.
Patuloy namang nananawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mga lider ng bansa na magkaisa at gamitin ang kapangyarihan upang tulungan at paglingkuran ang sambayanan.