Cardinal Tagle, pinangunahan ang misa para sa kaligtasan ng mga bihag ng Maute

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 398 total views

Nagpaabot ng panalangin ang Pontificio Collegio Filipino sa Roma, para sa mamamayan ng Marawi na naiipit
sa gitna ng kaguluhang dulot ng mga teroristang grupo.

Ayon kay Rev. Fr. Greg Gaston – Rector ng paaralan, nag-alay ng Banal na Misa ang mga Filipinong Pari sa Roma sa pangunguna ni Caritas Internationalis President, Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, para sa kaligtasan ng mga bihag ng Maute group, kabilang na si Fr. Chito Suganob.

“Pinagdadasal namin at kaninang umaga din dito [oras sa Roma] nag-misa dito si Cardinal Chito Tagle at sabi niya nga, ayan si Father Chito at ngayon din ay fiesta [sa Marawi] at nakakaantig kung iisipin natin mga [inosente] dun wala namang ginagawa, nagdadasal pa nga,” pahayag ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi pa ng Pari, makailang ulit na binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang pagkakaiba-iba ng relihiyon at paniniwala ay hindi dapat maging banta sa kaligtasan ng bawat tao, dahil ang iisang Diyos na minamahal at sinasamba natin ay hindi nanaising pumatay.

“Yung pagtingin sa relihiyon, ito’y pinaulit ulit ni Pope Francis na yung relihiyon ay hindi yan dapat magdala sa atin sa pagpatay sa ating kapwa kasi ang Diyos naman hindi gustong pumatay ng mga tao, hindi naman ibig sabihin na iba ang pag-unawa natin sa Panginoon, magpapatayan na tayo,” dagdag pa ng Pari.

Iginiit ng Pari na ang pananalig sa Panginoon ang dapat magdala ng kapayapaan at pagkakaunawaan sa pagitan ng magkakaibang pananampalataya.

Batay sa pagsusuri ng Global Terrorism Index noong 2013, pang-siyam ang Pilipinas sa mga bansang lubhang naaapektuhan ng terorismo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 39,294 total views

 39,294 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 113,908 total views

 113,908 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 193,987 total views

 193,987 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 237,126 total views

 237,126 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 235,849 total views

 235,849 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 348,036 total views

 348,036 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top