Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 528 total views

Kapanalig, buhay na buhay ang sarisaring merkado sa ating bayan. Ayon nga sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2015, 900,914 ang mga establisimiyento sa ating bayan, 99.5%  o 896,839 nito ay mga micro, small, at medium enterprises (MSMEs). Ang natitirang 0.5% (4,075) ay mga  malalaking negosyo.

Hindi ba’t makikita rito na malakas pa rin ang pwersa ng maliit? Ang backbone ng pamumuhunan sa bayan ay ang MSMEs. 61.% ng trabaho sa bansa noong 2015 ay nagmula sa kanila. Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), ang MSMEs ay nakapaglikha ng mga 4,784,870 na trabaho noong 2015, halos doble ng mga trabahong nalikha ng mga malaking negosyo na umabot sa 2,981,819.

Ang growth o pagsulong na ito ay kailangan nating suportahan kapanalig. Sa ating bansa, maraming hamon ang hinaharap ng mga maliitang mamumuhunan.

Ayon nga sa World Bank at Philippine Institute for Development Studies (PIDS), vulnerable ang mga MSMEs sa mga natural disasters. Kadalasan, mas apektado sila ng mga baha, bagyo at lindol, kumpara sa mga malaking negosyo. Stop business agad ang marami kapag may “natural hazards.”

Kay hirap din ng access to finance. Para sa maraming mga MSMEs, mahirap maging matibay, lalo na sa panahon ng sakuna dahil mabilis nasasaid ang pondo, tumitigil pa ang negosyo. Ang mga financial institutions naman, kaunti lamang ang financial products na nakatarget sa ganitong pangangailangan ng MSMEs.

Ayon din sa Asian Development Bank, malaking hamon din ang information, communication and technology o ICT sa MSMEs. Ang bagal ng internet service  sa Pilipinas ay isang malaking balakid din. Isipin natin kapanalig, sa halip na magamit ng mga mamumuhunan ang ICT upang mamonitor nila kahit malayo sila sa pwesto ang kanilang negosyo, kay hirap magawa dahil nakasalalay ang ganitong sistema sa internet speed.  Ang websites din na maari sanang maging plataporma ng online services, mahirap i-access at gamitin kung mabagal ang internet speed.

Kapanalig, ito ay ilan lamang sa mga hamon ng MSMEs  sa ating bansa ngayon, ang “resiliency” at pag-gamit ng teknolohiya. Dalawa lamang ito, ngunit malaki ang kontribusyon nito upang maging sustainable ang negosyo. Ang dalawang hamon na ito ay may nakaka-yakap na mas malaking hamon: pera o financing.

Kapanalig, ang pagsuporta sa MSMEs ay pagsuporta sa tao at sa bayan. Kaya’t nararapat lamang na maging prayoridad ito ng mamamayan at ng pamahalaan.  Kung susuriin mo kapanalig, ang teknolohiya at financing ay mga industriyang hawak ng mga pinakamalaking negosyo sa ating bansa. Malaking “imbalance” diba, at dapat itong ma-ampatan ng agarang lunas: polisiya kapanalig, kasama na rin ang incentives at penalties.

Ang isyung ito ay naglalahad ng pangangailangan ng solidarity sa ating bansa, ng pakikiisa. Ang Solicitudo Rei Socialis ay may butil ng aral na dapat nating pagnilayan: Tayong lahat ay iisang pamilya. Ang pagtaguyod ng isang komunidad na nagbibigay kapangyarihan sa lahat upang maabot ang kanilang kaganapan sa pamamagitan ng pagbibigay respeto sa dignidad, karapatan, at responsibilidad ng kapwa ay naglilikha ng mundong kaaya-aya para sa lahat (We are all one family in the world. Building a community that empowers everyone to attain their full potential through each of us respecting each other’s dignity, rights and responsibilities makes the world a better place to live).

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 8,049 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 8,155 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 69,178 total views

 69,178 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 139,029 total views

 139,029 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 170,311 total views

 170,311 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 202,326 total views

 202,326 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 351,038 total views

 351,038 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CONFIDENTIAL FUND

 69,179 total views

 69,179 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 139,030 total views

 139,030 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 170,312 total views

 170,312 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 202,327 total views

 202,327 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »
Scroll to Top