Produktong gawa ng urban poor families at bilanggo, mabibili sa Buy and Give Expo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 499 total reads

Pagpapaaral at pagbibigay ng hanap-buhay sa mga mahihirap.

Ito ang tutuparing hangarin ng isinasagawang Caritas Margins Buy and Give Expo 5 sa Fisher Mall, Quezon boulevard,Quezon city sa pangunguna ng Caritas Manila.

Ayon kay Caritas Margins Officer-in-Charge Buddy Arcangel, kasabay ng pagsuporta sa mga kapus-palad na kabataan na makatapos ng pag-aaral ay natutulungan din ng expo ang mga residente sa urban poor communities na kumita at makapagsimula ng sariling kabuhayan.

“Ang pangunahing makikinabang sa event na ito ay ang mga scholars ng Caritas Manila as well as ‘yong mga micro entrepreneur na tinutulungan naming maimarket ang kanilang mga products. Itong mga micro-entrepreneur na ito at nagmumula pa sa iba’t ibang komunidad sa buong Pilipinas. Actually open na open po kami at marami pang micro-entrepreneur sa iba’t ibang lugar ang hindi pa namin nakakausap,” pahayag ni Arcangel.

Tampok sa apat na araw na “buy and give expo” ang mga produktong lokal na gawa ng mga mahihirap na mamamayan gayundin ng mga bilanggo tulad ng furniture, artworks at samu’t saring pagkain na mabibili sa murang halaga.

Kaaapay ng Caritas margins ang mga micro-entrepreneur mula sa iba’t ibang marginalized community sa bansa kung saan habang naipagbibili ang kanilang mga obra ay natutulungan nito ang nasa 5-libong scholars ng Caritas Manila sa ilalim ng Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP.

Pinangunahan naman ni Caritas Manila Executive Director Rev. Fr. Anton CT Pascual ang pormal na pagpapasinaya sa benefit project kasama sina Fr. Bobby Dela Cruz, Clothes Asia CEO Ailenette Moleen Del Rosario at Caritas Margins Benefactor Emily Cruz.

Magtatagal ang Caritas Margins Buy and Give Expo hanggang Lunes, ika-12 ng Hunyo.(

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 12,886 total reads

 12,886 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 36,733 total reads

 36,733 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 73,234 total reads

 73,234 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 293,858 total reads

 293,858 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 327,781 total reads

 327,781 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 234,190 total reads

 234,190 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 368,803 total reads

 368,803 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top