Cardinal Tagle, binigyang pugay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 604 total reads

Naging makahulugan ang pagdiriwang ng ika-60 kaarawan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa presensiya ng kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay.

Kabilang sa nagpaabot ng kanyang pagbati at pagpupugay si Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Rev. Fr. Anton CT. Pascual.

“Tayo ay nagpapasalamat sa Diyos sa biyaya ni Cardinal Tagle sa ating simbahan. Nawa’y bigyan siya ng ating Panginoon ng isang tunay na pinagpalang buhay na punong-puno ng karunungan upang magabayan ang ating mananampalataya sa kalooban ng Diyos at mapasakanya ang katatagan at pag-ibig upang ipagpatuloy na ihasik ang hapag ng Diyos lalung lalo sa mga dukha at nangangailangan sa ating lipunan,” pagbati ni Fr. Pascual.

Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng banal na misa sa Manila Cathedral na pinangunahan ni Cardinal Tagle kasama ang mga obispo at pari ng Arkidiyosesis ng Maynila na sinundan ng isang munting salo-salo sa Arzobispado de Manila.

Samantala, bilang paggunita ngayong araw sa kapistahan ni St. Aloysius Gonzaga na patron ng mga kabataan ay pinaalalahanan naman ni Fr. Pascual ang mga youth servants na maging mapagpakumbaba sapagkat sila ang itinuturing na mga bayani ng hinaharap.

“Ang mga kabataan ang pag-asa ng ating lipunan ngunit dapat ihanda sila para maging tunay at ganap na servant leaders of the future kaya sa Caritas Manila mayroon tayong Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) upang ihanda sila spiritually, physically, emotionally and mentally for the future to become servant leaders of God and community,” pahayag ng pari.

Magkatuwang sina Fr. Pascual at Cardinal Tagle sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan gayundin sa pagsuporta sa mahihirap na kabataan sa pamamagitan ng social arm ng simabahang katolika na Caritas Manila.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 11,502 total reads

 11,502 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 67,479 total reads

 67,479 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 152,845 total reads

 152,845 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 199,581 total reads

 199,581 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 247,453 total reads

 247,453 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 348,075 total reads

 348,075 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 313,978 total reads

 313,978 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 420,075 total reads

 420,075 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top