Kawalang koneksiyon sa pamilya, problema ng millennials

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 754 total views

Naniniwala si Archdiocese of Manila Commission on Youth Director Father Jade Licuanan na ang kawalan ng koneksiyon sa pamilya ang ugat ng mga problemang kinakaharap ng kabataan sa kasalukuyang panahon.

Ayon sa pari, mahalaga ang pagkakaroon ng isang buong pamilya sapagkat dito nagsisimula ang paghubog ng relasyon ng isang bata sa kanyang mga magulang.

Ngunit, inihayag ni Father Licuanan na nagiging suliranin ang mga kabataan kapag hindi nila nararanasan ang pagmamahal na dapat unang ipinararamdam ng kanyang mahal sa buhay.

“Ang isa talaga sa mga ugat ng problema ng kabataan ay ‘yung pamilya, d’yan nagsisimula lahat. Kapag medyo broken families, separated ang mga parents, minsan hindi naman separated kundi nagkataon lang na naghanap- buhay sa ibang lugar, malayo- in terms of supervision ay nagiging vulnerable talaga yung bata at hahanap siya ng pagmumulan ng alaga at baka yun nga, yung kinakatakutan natin siyempre na sa iba kunin yung kalinga at pagmamahal na hinahanap nila,” pahayag ni Fr. Licuanan.

Aminado rin ang pari na malaki rin ang impluwensiya ng media sa buhay ng mga kabataan kaya kailangan ng tamang paggabay dahil hindi lahat ng nakikita o napapanood ay tama at dapat gayahin.

Sa isang pag-aaral na ginawa sa United Kingdom noong 2008, lumalabas na ang mga kabataan mula sa broken families ay ang pinakanakakaranas ng depresyon, nagtatagalay ng mga katangiang agresibo at anti-social na nadadala nila sa paaralan at pang-araw-araw na buhay.

Una nang ipinaalala ni Pope Francis sa kanyang mensahe sa 2017 World Youth Day na kahit gaano pa man kaliit ang isang tao, kung kikilanin naman nito ang kadikalaan ng Panginoon ay makakagawa siya ng malalaking bagay na maghahatid ng pagbabago sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa loob ng 24 oras

 11,873 total views

 11,873 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 29,673 total views

 29,673 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 29,673 total views

 29,673 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 143,141 total views

 143,141 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 164,751 total views

 164,751 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 779 total views

 779 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 225,437 total views

 225,437 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top