Panawagan ng Pangulong Duterte sa Amerika na ibalik ang Balangiga bells, pinuri

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 309 total views

Nagagalak ang Obispo ng Borongan, Eastern Samar sa hangarin ng Pangulong Rodrigo Duterte na mabawi mula sa Estados Unidos ang makasaysayang Balangiga bell na pag-aari ng mga Filipino.

Ayon kay Borongan Bishop Crispin Varquez, mahalaga sa mamamayan ng Eastern Samar na maisoli ang kampana at mailagay sa simbahan kung saan ito nakalagay.

“Good for us that he mentioned the Balangiga bell, it was a part of church property in Eastern Samar. Kaya kung mabawi yan dapat maibalik sa Balangiga. History yan sa aming simbahan. Symbolic ang bell di ba, calling people to go the church and encounter with God,” ayon kay Bishop Varquez.

Sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo, hinimok nito ang US na isoli ang kampana ng simbahan matapos ang pagpaslang sa isang komunidad sa Samar noong 1900’s.

Binalikan din ng Pangulo ang Philippine-American war nang mapasok ng mga Filipino ang kampo at mapaslang ang mga Amerikanong sundalo na gumanti naman sa pamamagitan ng pagpatay sa lahat ng batang lalaki na nasa edad 10 taon.

Ang Balangiga bells ay tatlong church bells na kinuha ng United States Army sa bayan ng Balangiga kung saan ang isa ay hawak ng Camp Red Cloud na nakabase sa Korea, habang ang dalawa naman nasa Warren Air Force Base sa Cheyenne, Wyoming.

Unang tinangkang bawiin ng Pilipinas ang mga kampana sa administrasyon ni dating pangulong Fidel Ramos, habang lumiham na rin ang Diocese ng Borongan noong 2005 sa Estados Unidos na ibalik ang mga kampana.

Sa pahayag noon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sinabing hindi dapat gamitin ang mga kampana ng simbahan bilang mga tropeyo ng digmaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 44,758 total views

 44,758 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 50,887 total views

 50,887 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 81,029 total views

 81,029 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 100,489 total views

 100,489 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 119,193 total views

 119,193 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top