Pagsusulong ng “green bills”, paiigtingin sa Kongreso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 362 total views

Suportado ng isang Kongresista ang patuloy na paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsugpo ng pang-aabuso ng mga minahan sa Pilipinas.

Ayon kay Ifugao Lone District Representative Teddy Brawner Baguilat, matagal nang isinusulong ng kanyang grupo ang pagprotekta sa kalikasan at ang pagpapasara sa mga minahan na nagdudulot rin ng pagkakawatak-watak ng mga komunidad.

Dahil dito, sinabi ni Baguilat na ipagpapatuloy nila ang pagsusulong ng Green Bills at ang pag- amyenda sa Mining Act of 1995 upang mapaigting ang pangangalaga sa kalikasan.

“Yung sa issue of mining talagang support ako sa panukala ng Pangulo na baguhin natin yung mga batas, yung kanyang batikos sa mining industry yun naman ang aming ipinaglalaban noon pa,” bahagi ng pahayag ni Baguilat sa Radyo Veritas.

Kaugnay dito binalaan na rin ni Environment Secretary Roy Cimatu ang mga kumpanya ng minahan na sumunod sa panuntunan ng kanyang ahensya o tuluyan nang ipatitigil ang kanilang operasyon.

Ayon kay Cimatu, bagamat pinahihintulutan ng batas sa Pilipinas ang mga mining explorations, ay hindi naman ito dapat samantalahin ng mga minahan.

Nangako din si Cimatu na titiyakin nitong mapoprotektahan ang mga komunidad na inaabuso ng mga minahan at mapangangalagaan ang kabutihan ng nakararami.

“I will be visiting some mining companies in Mindanao yung mga pinakitang pictures na destroyed yung environment, we’ll take action of that, immediately,” bahagi ng pahayag ni Cimatu sa Radyo Veritas.

Sa kasalukuyan, sinabi nni Cimatu na pinag-aaralan nitong mabuti ang naunang mining audit na pinamunuan ni Former DENR Secretary Gina Lopez.

Matatandaang sumailalim ang 41 minahan sa pagsusuri ng auditing teams na binuo ng DENR, civil society groups, kinatawan ng mga apektadong komunidad, mga eksperto at kinatawan ng simbahan.

Sa naunang audit, 23 minahan ang inirekomendang ipasara ni Lopez dahil sa matinding pagkasira na idinudulot nito sa kapaligiran.

Sa Ensiklikal na Laudato Si, kinondena ni Pope Francis ang mapanirang industriya ng pagmimina na ginagawa ng mga multinasyonal na kumpanyang mula sa mga maunlad na bansa o First World Countries.(Yana Villajos)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 38,227 total views

 38,227 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 112,841 total views

 112,841 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 192,920 total views

 192,920 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 236,059 total views

 236,059 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 234,851 total views

 234,851 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 348,011 total views

 348,011 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top