Payatas dumpsite, tuluyan ng ipapasara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 915 total reads

Nilinaw ni Eligio Ildefonso, OIC-Executive Director ng National Solid Waste Management Commission ng Department of Environment and Natural Resources na matagal nang pinaplano na isara ang Payatas dumpsite dahil sa pagsawalang bahala sa rekomendasyon ng ahensya.

Ayon kay Ildefonse, iminungkahi nilang patatagin pa ang pundasyon ng landfill na hindi pinansin ng mga namamahala sa dumpsite.

“May plan na naisara yan nagtaka din kame kung bakit tinuloy-tuloy pang gamitin. We already called their attention, more than 3 years ago, including yung ni-recommend namin na strengthen yung foundation, hindi rin naman nila ginawa, by strengthening the foundation puwede nyang I-counter act sana yung load na ibaba doon, pero hindi nila ginawa,” pahayag ni Ildefonso.

Dahil dito, irerekomenda na ng DENR na ipasara ng mas maaga ang Payatas dumpsite kumpara sa unang
pag-aaral na maaari pa itong gamitin hanggang sa katapusan ng taon.

“So with all indications and findings the DENR will recommend the permanent closure, mapapaaga yung closure,” dagdag pa ni Ildefonso.

Batay sa pagsusuri ng DENR araw-araw ay tinatayang 4,000 truck ng basura ang nakokolekta sa buong Mega Manila.

Ayon naman sa National Solid Waste Management Commission noong taong 2013 ay 38,092 tonelada
ang nalilikhang basura araw-araw, at sa huling pag-aaral noong 2014, nadagdagan pa ang dami ng basura na nagagawa ng mga tao sa 38,757 tonelada.

Dahil dito, inihayag ni Ildefonso na naghahanap na ng ibang landfill o dumpsite ang DENR at MMDA.

Ilan sa maaari nilang ikonsidera ang Landfill sa Clark, Pampanga; Norzagaray, Bulacan; Montalban at Rodriguez sa Rizal.

Magugunitang sa Laudato Si ni Pope Francis, binigyang diin nito ang kahalagahan ng pag-aalaga sa kapaligiran, at ang pag-iwas sa kultura ng pagiging maaksaya o ang “Throw-away culture” dahil sa kasalukuyan ay unti-unti nang nagmimistulang malawak na tambakan ng basura ang daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Perwisyo sa NLEx

 11,641 total reads

 11,641 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 48,141 total reads

 48,141 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 268,761 total reads

 268,761 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 303,431 total reads

 303,431 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 318,604 total reads

 318,604 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 385,895 total reads

 385,895 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top