Patuloy na pagtangkilik ng gobyerno sa coal fired power plants, kinondena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 466 total views

Kinondena ng Philippine Movement for Climate Justice ang patuloy na pagtanggap ng MERALCO ng enerhiya sa mga Coal Fired Power Plants.

Ayon kay Ian Rivera, National coordinator ng PMCJ, masyado nang madami ang mga planta sa Pilipinas at hindi na dapat itong dagdagan pa.

Iginiit ni Rivera na mas mura ang halaga ng kuryente kung renewable energy ang gagamitin na dapat tangkilikin ng pamahalaan.

“Sabi naming, hindi na talaga puwede ang gobyerno na i-accommodate pa ang mga coal fired power plants. That means na pumasok na dapat ang mga renewable energy duon sa pag-provide ng kuryente,”pahayag ni Rivera sa Radyo Veritas.

Bukod dito, ipinaalala din ni Rivera na dahil kabahagi na ang Pilipinas ng Paris Agreement ay kinakailangang tuparin nito ang ipinangako ng bansa sa international community na babawasan ang ibinubugang carbon ng bansa.

Ipinaalala ni Rivera na tungkulin ng pamahalaan na tulungan ang mamamayan na makakuha ng malinis at mas murang enerhiya na hindi nakasasama sa kalusugan ng tao at sa kalikasan.

“The Philippines, as already a signatory to Paris agreement, they are also binded with the 15°C (commitment in global temperature) then why are the government entertaining coal fired power plants? Pag-itutuloy pa ang mga coal plants na ito, it will lock us into coal… what we are fighting here is the right of the consumers from accessible, clean and affordable electricity,” dagdag pa ni Rivera.

Kamakailan, nagsampa ng kaso ang PMCJ sa Energy Regulatory Commission laban sa pitong Power Supply Applications sa Meralco kung saan ipinapanukala ang pagtatayo ng anim na bagong coal power plant projects,
at isang planta na kasalukuyan nang nagsasagawa ng operasyon.

Una nang nanawagan si Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos na itigil na ang pagtatayo ng karagdagang planta sa Pilipinas dahil nasaksihan nito ang labis na pagkasira ng kalikasan at pagkakasakit ng mamamayan.

Read:
Rehabilitation sa mga nasirang kapaligiran, panawagan ng Obispo

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 5,047 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 5,151 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 62,715 total views

 62,715 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 133,240 total views

 133,240 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 164,522 total views

 164,522 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 196,537 total views

 196,537 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 345,520 total views

 345,520 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 364,361 total views

 364,361 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top