Mga Katutubo sa ating Bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 728 total reads

Nitong Agusto 9 ating inalala ang Indigenous People’s Day. Marami sa atin ang mababa ang kamalayan ukol sa sitwasyon ng mga IPs sa ating bansa. Kamusta na nga ba sila?

Unang una kapanalig, hindi natin malaman kung ano nga ba ang tunay na bilang nila. Base sa report ng TEBTEBBA – Indigenous Peoples’ International Center for Policy Research and Education – walang maayos na datos ukol sa IPs sa bansa, kahit pa naisama ang usaping ethnicity sa 2010 census. Ang mga paunang datos mula sa pamahalaan noon ay nagsasabi na nasa walong milyon ang bilang ng mga IPS kahit pa ayon sa National Commission on Indigenous Peoples, mga 14 million ang bilang nila.

Kung hindi nga natin sila mabilang, paano ba natin mabibigyang atensyon ang kanilang kabuhayan? Makikita natin kapanalig, na maraming IPs sa ating paligid ang humihingi na lamang ng limos, lalo na pagdating ng pasko. Maraming mga Badjao at Ita ang tila iniipon ng mga grupo at dinadala sa mga siyudad upang manlimos. Ito ay isang kalapastangan sa kanilang dignidad, ngunit tila wala tayong magawa dito. Ano nga ba ang kanilang kabuhayan sa mga kanayunan kundi ang pagsasaka, isang industriyang hirap makagulapos sa ngayon dahil sa climate change, kompetisyon, at lumang mga istratehiya at pasilidad?

Ang industriya rin ng pagmimina ay patuloy pa ring nakaka-apekto sa buhay ng maraming IPs sa ating bayan. Ang kanilang mga ancestral territories ay unti-unting  nasisira ng mga minahan. Ilang lumad pa ba kapanalig, ang dudulog sa atin upang matigil na ang pagmimina sa kanilang komunidad?

Ang kawalan ng kapayapaan sa maraming lugar sa ating bansa ay malaking banta rin sa buhay at kabuhayan ng IPs. Sila ang naiipit sa mga bakbakan ng militar at ng mga armadong grupo. Isipin naman natin kapanalig, walang kalaban laban ang mga IPs sa baril. Saan sila tatakbo? Lagi na lamang ba sila tatakbo sa takot?

Alam din naman natin kapanalig, na nasa liblib at pusod ng kabundukan o kagubatan ang mga tahanan ng IPs. Mahirap maabot kaya’t kadalasan, hindi na inaabot. Marami sa mga kababayan nating IPs ay hindi pa nakakasalamuha ng doktor o nars kahit minsan sa kanilang buhay. Marami sa kanila, namamatay na walang paunang lunas, liban sa mga dahong inaasahang magpapagaling sa kanilang mga hinaing. Hindi lamang doctor to the barrios ang kanilang kailangan kapanalig,  kundi doctors to the boondocks.

Ito ay iilan lamang sa mga isyu na hinaharap ng mga IPs sa ating bayan ngayon. Kapanalig, wala man sila sa mga business centers ng ating bayan, mahalaga ang kanilang papel sa ating lipunan. Sila ay ating mga kapatid na buong tapang na nagpapatuloy ng ating sinaunang kultura at nagbabantay sa ating kalikasan na lagi na lamang nating sinisira. Sila ay ating mga kalahi. Ang pagsasawalang bahala sa kanila ay pagsasawalang bahala rin sa ating sarili. Kapanalig, ayon nga sa Gaudium et Spes: anumang diskriminasyon nagmumula sa kasarian, antas ng pamumuhay, lahi, kulay, o relihiyon ay dapat masupil. Hindi ito ayon sa nais ng Diyos para sa atin.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 14,218 total reads

 14,218 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 14,477 total reads

 14,477 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 33,861 total reads

 33,861 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 155,663 total reads

 155,663 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 206,025 total reads

 206,025 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 333,083 total reads

 333,083 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 416,844 total reads

 416,844 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi krimen ang magprotesta

 33,862 total reads

 33,862 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 155,664 total reads

 155,664 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 206,026 total reads

 206,026 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 333,084 total reads

 333,084 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »
Scroll to Top