Patuloy na pagtangkilik ng gobyerno sa coal fired power plants, kinondena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 506 total reads

Kinondena ng Philippine Movement for Climate Justice ang patuloy na pagtanggap ng MERALCO ng enerhiya sa mga Coal Fired Power Plants.

Ayon kay Ian Rivera, National coordinator ng PMCJ, masyado nang madami ang mga planta sa Pilipinas at hindi na dapat itong dagdagan pa.

Iginiit ni Rivera na mas mura ang halaga ng kuryente kung renewable energy ang gagamitin na dapat tangkilikin ng pamahalaan.

“Sabi naming, hindi na talaga puwede ang gobyerno na i-accommodate pa ang mga coal fired power plants. That means na pumasok na dapat ang mga renewable energy duon sa pag-provide ng kuryente,”pahayag ni Rivera sa Radyo Veritas.

Bukod dito, ipinaalala din ni Rivera na dahil kabahagi na ang Pilipinas ng Paris Agreement ay kinakailangang tuparin nito ang ipinangako ng bansa sa international community na babawasan ang ibinubugang carbon ng bansa.

Ipinaalala ni Rivera na tungkulin ng pamahalaan na tulungan ang mamamayan na makakuha ng malinis at mas murang enerhiya na hindi nakasasama sa kalusugan ng tao at sa kalikasan.

“The Philippines, as already a signatory to Paris agreement, they are also binded with the 15°C (commitment in global temperature) then why are the government entertaining coal fired power plants? Pag-itutuloy pa ang mga coal plants na ito, it will lock us into coal… what we are fighting here is the right of the consumers from accessible, clean and affordable electricity,” dagdag pa ni Rivera.

Kamakailan, nagsampa ng kaso ang PMCJ sa Energy Regulatory Commission laban sa pitong Power Supply Applications sa Meralco kung saan ipinapanukala ang pagtatayo ng anim na bagong coal power plant projects,
at isang planta na kasalukuyan nang nagsasagawa ng operasyon.

Una nang nanawagan si Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos na itigil na ang pagtatayo ng karagdagang planta sa Pilipinas dahil nasaksihan nito ang labis na pagkasira ng kalikasan at pagkakasakit ng mamamayan.

Read:
Rehabilitation sa mga nasirang kapaligiran, panawagan ng Obispo

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 51,585 total reads

 51,585 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 85,234 total reads

 85,234 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 187,059 total reads

 187,059 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 227,618 total reads

 227,618 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 246,070 total reads

 246,070 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 28,615 total reads

 28,615 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 21,546 total reads

 21,546 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top