Australian embassy, pinasalamatan ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 386 total views

Lubos ang pasasalamat ni Caritas Manila Executive Director Rev. Father Anton CT Pascual sa isang milyong pisong Direct Aid Program (DAP) grant na ipinagkaloob ng Australian Embassy sa Caritas Margins.

Ayon kay Fr. Pascual, malaki ang maitutulong na nasabing halaga upang mas mapaunlad at makilala sa merkado ang mga produkto na gawa ng mahihirap na Filipino.

“Nagpapasalamat tayo sa Australian Embassy lalong lalo na kay Ambassador Amanda sa kanilang muling pagsuporta sa atin for the third time para matulungan itong Caritas Margins sa ating ginagawang product development, packaging and marketing ng mga produkto ng mga poor micro entrepreneurs,” pahayag ni Fr. Pascual.

Idinagdag ng pari na sa pamamagitan ng DAP ay makakabili ang Caritas Margins ng mga kagamitan na paglalagyan ng produkto at modernong makinarya para sa mas epektibong produksyon.

“Kailangan natin ng equipments tulad ng mga estante kung saan doon natin ilalagay ang mga gulay na gawa ng farmers mula sa Baguio Diocese. Nakikipagpartner tayo sa mga simbahan sa iba’t ibang probinsya. Marami d’yan talagang healthy vegetables and fruits at kina-cut natin ang middle man para mas malaki ang kita ng farmers,” ani Fr. Pascual.

Sa tala, kumita ng 18 milyong piso ang Caritas Margins noong nakaraang taon habang 11.7-milyong piso naman ang gross sales ng social enterprise program mula Enero hanggang Hulyo 2017, mas mataas ng 17-porsiyento kung ikukumpara sa parehong panahon noong 2016.

Samantala target ng Caritas Margins na kumita ng 30-milyong piso bago matapos ang taon kung saan kalahati nito ay mapupunta sa mga micro entrepreneur habang ang natitirang bahagi ay siya namang tutustos sa pagpapaaral ng mahihirap na kabataan sa ilalim ng Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) ng Caritas Manila.

Una ng ipinanawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pagsusulong ng mga proyekto na magbibigay ng pagkakataon sa mga dukha na makapagsimula ng bagong buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 103,250 total views

 103,250 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 227,661 total views

 227,661 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 268,062 total views

 268,062 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 342,457 total views

 342,457 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 54,817 total views

 54,817 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 257,198 total views

 257,198 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top