Marawi bakwits, sasanayin sa livelihood

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 320 total views

Tiniyak ng Diocese of Iligan na hindi nag-iisa ang Prelatura ng Marawi sa patuloy na pagbangon mula sa kaguluhang idinulot ng higit tatlong buwang bakbakan sa siyudad sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute group.

Ayon kay Fe Salimbangon, Social Action Coordinator ng Diocese of Iligan, kaisa ng Marawi ang kanilang Diyosesis sa pagsusumikap na makabangon mula sa pinsala at epekto ng digmaan.

“Yung Duyog Marawi is a program from the Prelature ng Marawi, na ibig sabihin nung Duyog is ‘to journey, to accompany, to be with’. Duyog is to be reminded na hindi sila nag-iisa marami silang kasama…”pahayag ni Salimbangon sa Radio Veritas

Samantala, ibinahagi ni Salimbangon ang pagtutok na sa livelihood training ng mga evacuees upang mabigyan ng pagkakakitaan ang mga nawalan ng hanapbuhay.

Bukod dito, tinutugunan din nila ang kalagayan ng mga estudyante mula sa Marawi na karamihan ay nag-aaral ngayon sa Iligan City.

Ipinaliwanag ni Salimbangon na napakahalaga ng pagkakaroon ng pagkain sa pang-araw-araw ngunit dapat ding bigyan ng mapagkakakitaan ang mga bakwit na pangtustos sa kanilang iba pang pangangailangan.

“We have to expand not merely from relief tapos magta-transition na tayo to livelihood training, iniisip namin scholarship din kasi maraming mga estudyante sa Marawi na dito nag-aaral sa Iligan, siyempre wala na silang income so paano yung pag-aaral nila, merong mga graduating students, yun din yung inaalala namin kung saan kami makakuha ng pondo para sa kanila tapos yung families ng mga Marawi workers, yung mga nagtatrabaho sa Marawi na yung iba namatay, yung iba missing although yung iba nakauwi naman…” pahayag ni Salimbangon.

Ika-30 ng Agosto 2017 ng inilunsad ng Prelatura ng Marawi ang Duyog Marawi bilang unang hakbang sa pagbabalik sa normal ng buhay ng mga residente na bukod sa relief operations at rehabilitation ay magsagawa rin ang psycho social intervention dahil sa epekto ng digmaan lalu na sa mga kabataan.

Read: Pagtugon sa mental health crisis ng Marawi bakwits, malaking hamon sa Simbahan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 72,887 total views

 72,887 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 96,047 total views

 96,046 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 117,320 total views

 117,319 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 282,374 total views

 282,373 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top