Share the Journey campaign, ilulunsad ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 535 total reads

Nakatakdang ilunsad ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Roma ang “Share the Journey” migration campaign ng Caritas Internationalis sa araw ng Miyerkules ika-27 ng Septyembre, 2017.

Ayon kay Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle – Presidente ng Caritas Internationalis, sa pamamagitan ng “Share the Journey” ay natuturuan ng simbahan ang mga tao na makipag-ugnayan sa mga tunay na migrante, alamin ang kwento ng kanilang buhay, kung bakit nila nilisan ang kanilang tahanan, at kung ano ang nangyari sa kanilang paglalakbay.

Sinabi ng Kardinal na sa pamamagitan nito ay makikilala at mabibigyan ng mukha ang milyun-milyong bilang ng mga refugees na tumatakas mula sa kaguluhan sa kanilang lugar at maihahayag din sa publiko ang malagim na kuwento ng buhay ng mga dayuhang pinipiling makipagsapalaran sa ibang bansa.

“Look them in the eyes, listen to why they left their homes, how their journey’s been, see the real people behind the numbers and scare stories… This time of greater interconnection is an invitation to each and every one of us to look at how we can be more united. I hope the global migration and refugee situation will lead the whole world in a corporate examination of consciousness and our value systems.” Bahagi ng pahayag ng Cardinal.

Ang dalawang-taong kampanya ng “Share the Journey” ay naglalayong magpalawak ng kamalayan, magtaguyod at magpalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga migrante, mga refugee at mga komunidad.

Ito ang magsisilbing tugon ng Caritas sa panawagan ng Santo Papa na palaganapin ang “Culture of Encounter” o ang pakikipagtagpo at pakikipamuhay sa mga taong higit na nangangailangan ng pagkalinga ng simbahan upang mabuksan ang puso at isip ng bawat indibidwal at mabago ang pagtingin ng mga tao sa mga migrante at refugee.

Sa kasalukuyan ang Caritas Internationalis ay mayroong mahigit sa 160 miyembrong inaasahang magpapalaganap ng “Share the Journey” sa mahigit 200 mga bansang kasapi ng Caritas.

Samantala, sang-ayon nga sa pahayag ni Pope Francis sa National Migration Directors ng Council of European Bishops Conferences, dapat pangunahan ng simbahang katolika ang pagsugpo sa diskriminasyon sa mga dayuhang sa kabila ng kanilang ibang paniniwala.

Batay sa pag-aaral ng United Nations High Commissioner for Refugees sa nakalipas na dalawang dekada ay ay malaki ang nadagdag sa bilang ng mga taong napipilitang umalis mula sa kanilang mga tahanan, at noong 2016, mahigit 65.6 na milyong indibidwal sa buong mundo ang naitalang mga lumilikas dahil sa patuloy na kaguluhan.

Marami sa mga ito ay nagmula sa mga lugar na Syria, Iraq, Yemen, Sub-Saharan Africa, Burundi, Central African republic, Democratic Republic of the Congo, South Sudan at Sudan.

Sa Pilipinas, batay sa huling pagtataya ng Internal Displacement Monitoring Center noong 2015 ay umaabot sa 119,000 indibidwal ang umaalis mula sa kanilang mga tahanan dahil sa digmaan.

Kabilang na dito ang humigit kumulang 2,000 mga Lumad na kamakailan ay nagsagawa ng Manilakbayan upang ipabatid sa publiko ang ginagawang pang-aabuso at pagpapalayas sa kanila mula sa kanilang lupaing minana.

Bilang pagtugon, patuloy ang pagsasagawa ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ng mga diyalogo upang alamin ang pangangailangan at kung paano matutulungan ang mga Lumad na biktima ng karahasan.

Sa kasalukuyan, nangako ang Simbahan na hindi mawawala ang pagtulong nito hinggil sa pagprotekta sa kalikasan na isa din sa mga itinuturong dahilan ng mga katutubo kung bakit sila pinalalayas sa kanilang mga lupain.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 39,304 total reads

 39,304 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 145,947 total reads

 145,947 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 231,316 total reads

 231,316 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 278,053 total reads

 278,053 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 325,925 total reads

 325,925 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 422,550 total reads

 422,550 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 11,754 total reads

 11,754 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 45,064 total reads

 45,064 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 37,930 total reads

 37,930 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top