Muling pagpapaliban sa Barangay at SK election, labag sa Saligang Batas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 647 total reads

Labag sa diwa ng Konstitusyon ang hindi pagkakaloob sa mga mamamayan ng kapangyarihan na pumili at magluklok ng mga pinuno ng pamahalaan.

Ito ang binigyang diin ni Rev. Fr. Edu Gariguez – Executive Secretary ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines kaugnay sa muling pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections na unang nakatakda sa darating na ika-23 ng Oktubre.

Giit ng Pari, dapat na ituloy ang halalang pambarangay sapagkat nararapat na manggaling sa pangkalahatang desisyon ng taumbayan ang pagpapasiya kung sino ang mga maihahalal na opisyal at hindi sa mga namumuno sa pamahalaan o mga pulitiko.

“sa bahagi natin, tayo ay tumututol sa postponement ng barangay election at ang posisyon doon, kinakailangang ituloy yung eleksyon na pambarangay dahil mas higit na mapanganib kung pipiliin mo lang yung mga ilalagay at labag ito sa mismong diwa ng Konstitusyon na dapat ang pipili ng mga pinuno na mamumuno sa kanila ay galing sa desisyon ng mga tao, pangkalahatan at hindi sa desisyon ng kung sinumang namumunong politiko…” pahayag ni Father Gariguez sa panayam sa Radio Veritas.

Kadalasang nagmumula sa mga Social Action Center ng iba’t ibang diyosesis na nasa ilalim ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines ang malawak na network ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng isang maayos at tapat na eleksyon sa Pilipinas.

Sa ilalim ng panukala na lumusot sa ikatlo at huling pagbasa ng dalawang kapulungan ng Kongreso ay planong gawin na lamang sa Mayo ng susunod na taong 2018 ang Barangay Elections sa halip na sa susunod na buwan.

Unang iginiit ni Sister Mary John Manansan ng Association of Major Religious Superior of the Philippines na maituturing na authoritarianism ang balak ng pangulong Rodrigo Duterte na i-appoint na lamang ang mga opisyal ng Barangay.

Read: Muling pagpapaliban sa Barangay election, isang authoritarianism

Kaugnay nga nito, pinag-aaralan na ng Commission on Elections (COMELEC) kung paano magagamit at hindi masayang ang nasa 27,950,855 balota na una nang nailimbag ng kumisyon para sa Halalang pambarangay mula sa kabuuang 59,548,410 balota na kailangan para sa lahat ng mga botante.

Nasasaad sa Article 5 ng 1987 Constitution ang karapatan sa paghahalal ng mga mamamayan, sa ilalim ng Article 5, Section 1 nakapaloob na karapatan ng lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas edad 18-taong gulang pataas ang maghalal ng mga opisyal ng bayan maliban na lamang sa mga inalisan ng karapatang ito sa ilalim ng batas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 6,301 total reads

 6,301 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 41,559 total reads

 41,559 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 78,043 total reads

 78,043 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 96,254 total reads

 96,254 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 180,250 total reads

 180,250 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 39,014 total reads

 39,014 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top