Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

EJK’s kabiguan sa war on drugs ng gobyerno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 373 total views

Pagpapatunay lamang na maraming mga Filipino ang tutol sa pagkalat ng ilegal na droga sa bansa, subalit tutol sa paraan na pagpaslang sa mga hinihinalang lulong sa bisyo.

Ito ang mensahe ni in-coming Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Vice president Caloocan Bishop Pablo Virgilio David hinggil sa inilabas na Pulse Asia Survey.

“I interpret that to mean that 88% agree that illegal drugs must indeed be fought, but 78% disagree with the way it is being fought because of EJK’s,” ayon kay Bishop David.

Lumalabas din sa pag-aaral ng Pulse Asia ang pagkakaroon ng bahagi ng simbahan sa kampanya kontra droga ng administrasyon.

Ayon sa report, 58 percent ang nagsasabing dapat tumulong ang mga pinuno ng simbahan sa rehabilitation ng mga drug addicts, 46 percent ang nagsasabing dapat bantayan ng simbahan ang kampanya kontra droga at 40 percent naman ang nagsasabing dapat ikondena ang mga pagpaslang na kaakibat ng kampanya.

Naninindigan ang simbahan na hindi tugon sa war against drugs ang pagpaslang sa halip ay ang pagtulong sa mga nalululong sa bisyo na magbago at maging kapaki-pakinabang sa lipunan.

Una na ring idineklara ni Bishop David ang lahat ng simbahan sa ilalim ng Diocese ng Caloocan bilang community based rehabilitation center para tulungan ang mga lulong sa masamang bisyo na makapagbago at maging kapakipakinabang na mamamayan ng lipunan.

Ayon sa Obispo, may 3-batches na ng mga drug dependent ang nakapagtapos sa community based rehab ng simbahan ng Caloocan.

Ang Diocese ng Caloocan ay binubuo ng 27 parokya na may 32 mga pari para sa higit 2 milyong mananampalataya.

Sa Archdiocese of Manila, 12 parokya ang nagbukas ng community drug rehabilitation na kamaikalailan lamang ay may 80 recovered addicts ang nagtapos sa ilalim ng Sanlakbay sa Pagpapanibago ng Buhay 6-month program.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 32,102 total views

 32,102 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 77,825 total views

 77,825 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 80,035 total views

 80,035 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 152,251 total views

 152,251 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 162,559 total views

 162,559 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top