117 total views
Umaasa ang isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines’ (CBCP) na bukod sa pagpapalit ng ahensya na tututok sa anti-drug campaign ng pamahalaan ay kailangan din na magpalit ng stratehiya.
Ito ang pahayag ni Father Jerome Secillano, executive Secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs sa pagtatalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang lead agency na hahawak sa madugong kampanya kontra ilegal na droga ng pamahalaan.
“But with the change in personnel, there should also be a shift in strategy. PDEA should instead run after manufacturers, cartels or syndicates than merely prey on small-time pushers and poor addicts. It’s high time that they dismantle the suppliers instead of annihilating the users and pushers,” ayon kay Fr. Secillano.
Ayon sa pari, mahalagang matutukan ang pagbuwag ng PDEA sa mga gumagawa, pagawaan at sindikato ng ilegal droga.
“Even with the PNP, the drug war hasn’t been successful. It only resulted to the death of poor people and drugs continued to proliferate,” dagdag pa ni Fr. Secillano.
Sinabi ni Father Secillano na sa kabila ng pagkamatay ng mga hinihinalang adik at small time pushers ay laganap pa rin ang bentahan ng droga sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Una na ring nanindigan ang simbahan na hindi ang pagpaslang lalu na sa mga small time users at pushers ang tugon laban sa droga –kundi ang pagpapanibago upang muling maging kapakipakinabang na mamamayan.
Sa Archdiocese of Manila, 12 mula sa 94 na parokya na ang nagbukas ng community based rehabilitation program na Sanlakbay kung saan sa ika-21 ng Oktubre 2017 ay magdadaos si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ng thanksgiving mass para sa mahigit 100-gradautes ng Sanlakbay Tungo sa Pagbabago drug rehabilition sa Manila cathedrtal.