EJK’s kabiguan sa war on drugs ng gobyerno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 564 total reads

Pagpapatunay lamang na maraming mga Filipino ang tutol sa pagkalat ng ilegal na droga sa bansa, subalit tutol sa paraan na pagpaslang sa mga hinihinalang lulong sa bisyo.

Ito ang mensahe ni in-coming Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Vice president Caloocan Bishop Pablo Virgilio David hinggil sa inilabas na Pulse Asia Survey.

“I interpret that to mean that 88% agree that illegal drugs must indeed be fought, but 78% disagree with the way it is being fought because of EJK’s,” ayon kay Bishop David.

Lumalabas din sa pag-aaral ng Pulse Asia ang pagkakaroon ng bahagi ng simbahan sa kampanya kontra droga ng administrasyon.

Ayon sa report, 58 percent ang nagsasabing dapat tumulong ang mga pinuno ng simbahan sa rehabilitation ng mga drug addicts, 46 percent ang nagsasabing dapat bantayan ng simbahan ang kampanya kontra droga at 40 percent naman ang nagsasabing dapat ikondena ang mga pagpaslang na kaakibat ng kampanya.

Naninindigan ang simbahan na hindi tugon sa war against drugs ang pagpaslang sa halip ay ang pagtulong sa mga nalululong sa bisyo na magbago at maging kapaki-pakinabang sa lipunan.

Una na ring idineklara ni Bishop David ang lahat ng simbahan sa ilalim ng Diocese ng Caloocan bilang community based rehabilitation center para tulungan ang mga lulong sa masamang bisyo na makapagbago at maging kapakipakinabang na mamamayan ng lipunan.

Ayon sa Obispo, may 3-batches na ng mga drug dependent ang nakapagtapos sa community based rehab ng simbahan ng Caloocan.

Ang Diocese ng Caloocan ay binubuo ng 27 parokya na may 32 mga pari para sa higit 2 milyong mananampalataya.

Sa Archdiocese of Manila, 12 parokya ang nagbukas ng community drug rehabilitation na kamaikalailan lamang ay may 80 recovered addicts ang nagtapos sa ilalim ng Sanlakbay sa Pagpapanibago ng Buhay 6-month program.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 126,159 total reads

 126,159 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 263,197 total reads

 263,197 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 378,972 total reads

 378,972 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 494,225 total reads

 494,225 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top