Seguridad sa Marawi, hihigpitan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 357 total reads

Kasunod ng pagkakapaslang sa dalawang lider ng Maute ISIS group, tiniyak ng Philippine National Police na patuloy na magiging mahigpit ang seguridad sa Marawi City.

Ayon kay Marawi City Police Chief P/Sr.Supt. Ebra Moxir Al Haj, ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at mahadlangan ang posible pang pag-atake ng mga kaalyado ng ISIS Maute at iba pang lokal na terorista kasunod ng pagkamatay nina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

“Alam po ng ating tropa ng gobyerno na ‘yan ang susunod na yung mga loyalists at supporters po ng local terrorist ay yun ang babantayan ng ating tropa ng PNP at AFP. Hinimok din namin ang mga sibilyan na tumulong sila sa security at rehabilitation ng ating mahal na Islamic City ng Marawi,” ayon pa kay Moxir.

Dagdag pa ni Moxir, paghahanda naman sa pagbabalik ng mga nagsilikas ang inaasahang susunod na hakbang ng pamahalaan sa sandaling matapos ang may limang buwang digmaan sa lungsod.

“Mag-focus po ngayon dito sa preparations nang pagbalik ng mga IDP’s sa kani-kanilang bahay o community, barangay na hindi apektado. Ito ay converging effort ng ahensya ng gobyerno,” ayon kay Moxir.

Base sa ulat, higit sa 400 libong mga residente ng Marawi City ang lumikas dahil sa digmaan at kasalukuyan nasa 38 evacuation centers habang ang malaking bahagi ay pansamantalang nanuluyan sa kanilang mga kamag-anak.

Sa isang mensahe ni Pope Francis, binigyan diin nito na walang nagwawagi sa digmaan sa halip ito ay nagdudulot ng pagkasira hindi lamang ng buhay kundi ang kabuhayan ng mga residente kung saan may kaguluhan.

Kaya’t giit ng Santo Papa, mahalaga ang pagkakaroon ng ugnayan ng bawat isa sa kabila ng pagkakaiba-iba para makahanap ng tugon sa anumang suliranin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 14,684 total reads

 14,684 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 95,793 total reads

 95,793 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 190,018 total reads

 190,018 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 250,508 total reads

 250,508 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 263,652 total reads

 263,652 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top